CHAPTER 18

5.4K 204 52
                                    

"So our lesson for today is the history of Niji. Alam kong ang iba sa inyo ay alam na ito at ang iba nama'y hindi," ani Prof. Shawn na may dalang stick sa kaniyang kamay. He sat on his table instead on his chair then he smiled as he faced us. "It was 500th century ago when a goddess named Iris, came to Earth. Napadpad siya sa bansang Japan. Madami ang mga humanga sa taglay niyang kagandahan, kabaitan at kakaibang kakayahan kaya marami ang gustong manilbihan sa kaniya. Madaling nakapalagayan ng loob ng dyosa ang mga ito. Bilang gantimpala sa pagiging matapat nila, niregaluhan niya ang mga ito ng kapangyarihan. Ngunit 'di inaasahang traydorin siya ng iba niyang mga tauhan, at ang traydor na iyon ay lihim na kumikilos upang siya'y pabagsakin. Nakahanap ito ng mga kaalyansa. Nilason nito ang isip ng mga tao at nagkaroon ng sariling hukbo laban sa dyosa."

Nakaawang ang labi ko habang nakikinig kay Prof. Shawn. He was now standing while holding his stick.

"Pinaibig muna ng traydor ang dyosa sa kaniya. Iyon ang una niyang plano upang mapadali ang pagkabagsak ni Iris. Ang sabi nga nila, the strongest weapon in this world is love, but it is also the reason of your weakness." Pinitik ni Prof. Shawn ang kaniyang stick sa lamesa dahilan para mapaayos ako sa pag-upo. "Umibig si Iris sa traydor at ginawa niya ang lahat para dito. Nang sinabi nitong ibigay ang kalahati ng kapangyarihan niya rito, hindi nagdalawang isip ang dyosa dahil akala nito'y tutulungan siya nito sa pagbalanse ng mundo."

Nakangusong dumungo ako. Hindi naman yata history ng Niji ang kinukuwento niya.

"Nang malaman ng dyosa na ito pala'y isang traydor, sobra ang galit niya rito. She declared war." Naglalakad si Prof. Shawn at dumaan sa gilid ko. "Ang ibang tagapagsilbi niya ay pumanig sa kaniya at maraming mga inosente ang nadamay."

That was horrible.

"Sa kalagitnaan ng labanan, biglaan na lamang nanghina si Iris at nasaksihan nila ang unti-unting pagkawala nito. Ngunit kasabay rin niyon ay ang paglitaw ng nakakasilaw na liwanag sa kalangitan. Unti-unting napapaso nito ang mga kalaban at namatay. Ang iba sa kanila'y nakatakas pati na ang pinuno nila. Ang mga natira na kaalyansa naman ng dyosa ay nadagdagan ang lakas dahil sa liwanag na iyon." Bumalik siya sa harap at muling umupo sa table niya. "Nang matapos ang digmaan, hinanap nila si Iris, ngunit hindi nila ito nahanap. Dalawang teorya ang kanilang nabuo: una, ito'y patay na; pangalawa, umuwi na ito sa mundo nito."

Prof. Shawn's eyes darted on me. Natigil ko ang paghikab at muling napaaayos sa pagkakaupo. "Nang halungkatin nila ang dating tinutuluyan ng dyosa sa mundo ng mga mortal, isang kalatas ang kanilang natagpuan. Sinasabi sa kalatas na sa pinagsama-samang kapangyarihan ng mga nagsilbi at kaalyansa ng dyosa, makakagawa sila ng panibagong mundo. Kailangan itong gawin upang wala nang madamay na mga inosenteng tao. Lalo na't nakatakas ang iba pang mga kalaban. Papangalan nila itong 'Niji' na ang kahulugan ay bahaghari. Ang rainbow ay may pitong kulay at sumisimbolo iyon sa pitong legendary elemental powers. Red is for Fire, Orange is for Energy, Yellow is for Light; Green is for Earth, Blue is for Water, Indigo is for Wind, and Violet is for Lightning. Sa bawat henerasyon na lumilipas, pitong sanggol ang magtataglay ng mga kapangyarihang ito at sila ang itinakdang magtatanggol sa atin mula sa mga kalaban na tinatawag nating dark magic users ngayon."

Biglaang nawala ang antok ko at napukaw na nito ang aking interest. Iyon pala ang simula ng lahat.

"Tinupad ng mga kaalyansa ng dyosa ang nasa sulat. Nakagawa nga sila ng mundo at pitong sanggol ang naisilang na nagtataglay ng mga kapangyarihang iyon ay natupad. Planado na lahat iyon ng dyosa." Huminto saglit si Prof. Shawn saka nagpatuloy. "Pinili ng mga mamamayan ng Niji ang 'Ka Clan' na mamuno sa Niji dahil sa sila ang nangunguna at pinakamalakas sa naganap na digmaan noon upang panatilihin ang kaayusan ng Niji. Hanggang ngayon ay sila pa rin ang namumuno ng mundo natin. Sila ang nagpangalan sa atin na 'nijius' dahil nga may mga ibang kakayahan tayo at hindi tayo tao. Hango iyon sa pangalan ng ating mundo. Sila rin ang nagtayo ng Niji Academy. Ito ay upang sanayin ang mga Nijius sa pakikipaglaban dahil sa banta ng mga dark magic users na nakakapasok na pala sa mundo natin at pinipilit tayong sakupin."

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon