Suot niya pa rin ang itim niyang balabal nang humarap siya sa akin. Nakayuko siya at natatabunan ng hood niyon ang kaniyang mukha. He’s really tall. Hanggang baywang lang nga niya siguro ako at hanggang dibdib niya lang yata si Sairi. He could be considered a giant with that height of his.
Sumilay ang ngisi niya nang iangat niya ang tingin mula sa pagkakayuko. Kitang-kita ang peklat sa kaniyang kanang pisngi at nasisiguro kong medyo bago pa nga iyon. Siguro’y iyon ang natamo niya roon sa mundo niya bago siya makatakas.
“You’re too slow. That’s why I volunteered to come here,” nakangising saad niya.
Ang sabi nila Justine, iba ang kanilang lengguwahe. Kaya siguro iba ang pagbuka ng bibig niya sa sinasabi niya. Para bang nagsasalita siya sa ibang lengguwahe pero Ingles ang naririnig namin.
“Is that so?” sarkastikong tanong ni Prof. Bryce.
“Yeah.”
“Kung ganoon, bakit pa natin patatagalin ito?”
Lumawak ang ngisi sa labi nito. “You can’t defeat me even if I’m outnumbered. You’re just a bunch of weaklings.”
“Try us then,” sabat ni Sairi nang may diin at sa malamig na boses.
Nabaling ang tingin ko sa seryoso niyang mukha na makikitaan ng pagkairita patungo sa nakakuyom niyang kamay. He’s pissed.
“Can we not fight here? Let’s just go outside. Baka mabayaran pa natin ang mga na-damage natin,” singit ko, nag-aalala sa mga gamit at sa hotel. Baka kasi pati iyon, masira. Kaunting pera lang ang nadala ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Sairi at ang mahinang pagtawa ni Mizu pero hindi ko na sila pinansin.
Ibinaling ng nephilim na iyon ang tingin sa akin. “Interesting, huh?”
Naikunot ko ang aking noo dahil sa pagtataka. Ano ba’ng kainte-interesado?
“Can’t read your mind.” Sinabi niya iyon gamit ang telepathy kaya ako lang ang nakaririnig niyon.
Hindi niya mabasa ang isip ko pero nakakapag-communicate siya sa akin sa isip. Ngumisi ako’t itinaas ang kilay. Kung ganoon, magagamit ko iyon bilang advantage.
“Okay then,” sagot niya. “Let’s just meet outside.”
Matapos sabihin iyon ay nawala siya sa paningin namin.
Natahimik kami saglit, nakatingin pa rin sa kinaroroonan ng nephilim kanina.
“I wonder where did the nijius go,” pagbabasag ni Hikari sa katahimikan.
Iyon din ang pinagtataka ko. Walang ni-isang nijius dito ngayon at maayos pa naman ang mga gamit dito kaya nasisiguro kong hindi sila nakipaglaban sa nephilim na ‘yon. Pero nasaan sila? Saan sila nagpunta?
Ganoon din ang nangyari noong nakita siya namin ni Sairi kanina sa labas. Nawala ang mga nijius sa paligid.
“I hope they’re okay,” naiiling na saad ni Prof. Bryce. “Kailangan na natin siyang harapin.”
Tumango ako. We went outside the hotel at naroon nga ang nephilim sa gitna ng kalsada, hinihintay ang paglabas namin. Sa paraan ng pagngisi niya, siguradong-sigurado siyang makakaya niya kami. He really thought he’s that powerful ‘cause he’s a nephilim.
Pati sa labas ng hotel ay wala kaming nakikitang naglalakad na mga nijius kahit isa man lang nang ilibot ko ang paningin. Tila naglaho silang lahat na parang bula. Hindi ko alam kung nagtago ba sila, itinago, o... patay na.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...