CHAPTER 45

2.9K 110 16
                                    

Nakatuon lang ang atensiyon ko sa wall clock na nasa itaas ng white board habang nagtuturo si Prof. Shawn—ang professor sa History subject namin—hinihintay kung kailan matatapos ang klase kaya wala na akong maintindihan sa tinuturo niya. Saktong tumuntong ang alas dose nang tumunog ang bell kaya ngiting-ngiti akong tumayo at nag-inat. “Hay salama—”

Natakpan ko ang bibig nang matanto ang ginawa at ang sinabi. Matalim ang tinging iginawad sa akin ni Prof. Shawn at dinig ko rin ang mahihinang tawa ng mga kaklase ko.

Nakahihiya. Nakahihiya iyong ginawa ko.

Pilit akong ngumiti kay Prof, winaglit ang kaba sa dibdib dulot ng tingin nito. “I mean, salamat po at naintindihan ko ang dini-discuss n’yo ngayon!”

Natawa ulit ang LEs at tinitigan lang ako ni Prof. Shawn saka binaling ang tingin sa buong klase. “We’ll continue this discussion tomorrow. Class dismissed.”

Nakahinga ako nang maluwang at napahawak sa dibdib nang lumabas na ito at hindi ako napagalitan. Muli ay napangiti ako saka nagligpit sa mga gamit ko.

“You’re so excited to eat.”

Napapitlag ako nang ibulong iyon ni Sairi malapit sa tainga ko. Hindi ko man lang naramdamang nasa gilid ko na pala siya.

“I’m not. The discussion is just boring,” pagrarason ko saka sinara ang bag ko.

Nangingiting nailing siya. “It is though.”

Sinukbit ko ang bag sa magkabilang balikat ko saka muli siyang hinarap. “Tara na.”

Kayo na talaga, ‘no?” tukso ni Kaze sa amin at nagtaas-baba pa sa kilay nito.

Walang sumagot sa amin ni Sairi. Sa halip ay nagdere-deretso kami sa paglabas sa classroom papuntang cafeteria. Nasa likuran namin ang ibang LEs no’n at nagkatutuwaan nang mag-iba ang pakiramdam ko at nag-blur na naman ang paningin ko dahilan para mapahinto ako. Lumitaw ang mga nakakikilabot na imahe sa aking isipan dahilan para mahinto ako sa paglalakad.

Panganib... labanan... dugo... mga patay na nakahandusay.

Sasalakay na naman sila.

Naisandal ko ang sarili kay Sairi na nakahinto na rin pala at nag-aalalang umalalay sa akin. “Are you okay?”

Tumango lang ako.

“Kulang ka ba sa tulog?” nag-aalala na ring tanong ni Angie nang lumapit ito sa amin.

Umiling ako saka umayos sa pagkakatayo. “I’m fine. Nahilo lang ako saglit.”

Nang maglakad kaming muli ay panay ang tingin sa akin ni Sairi ngunit wala sa kaniya ang atensiyon ko. Iyong nakita ko kanina ay mangyayari pa lang mamaya at kailangan ko nang pumunta sa lugar na ‘yon upang pigilang mangyari iyon.

Nasa harapan na kami ng cafeteria nang huminto si Sairi. Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa kawalan. Sumeryoso ang kaniyang mukha nang lingunin niya kami at napabuntong-hininga bago magsalita. “HM Jade wants to see all of us in her office now.”

Inaasahan ko ng iyon nga ang sasabihin niya. HM Jade could foretell these scenario and I knew he had seen it now. That was one of her abilities. Mukhang iyon ang dahilan kung bakit niya kami pinapatawag.

Hindi ko inaasahang makikita ko si Shin at ang mga kaibigan nitong sina Josh at Eujin nang pumasok kami sa office. At mas hindi ko inaasahang marami kami roon. Base sa necktie ng uniform namin, may mga fourth year students din dito. Kung hindi ako nagkakamali, lahat ng nandito ay kasali sa Rank 10 ng bawat year level. Tila malaking labanan nga ang magaganap mamaya.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon