CHAPTER 33

4K 173 41
                                    

[FIROAH]

Napanguso ako, pinipigilan ang pagngiti, habang ang tingin ay nasa tray na linapag ni Sairi sa harapan ko. Siya ang kumuha ng pagkain ko ngayon and it was the first time he did it. Alam na alam niya rin ang palagi kong ino-order. Ramdam ko ang pang-asar na tingin na LEs sa amin ngunit masyado akong masaya ngayon para sawayin pa sila. Sa halip ay nagsimula akong kumain at natigil lang saglit upang tingnan si Shin na kauupo lang sa tabi ko.

He looked irritated and he kept on sighing. Tila kinakalma niya ang sarili.

“Anong mukha ‘yan, Shin?” tanong ni Michi nang mapansin din ‘yon.

“Wala,” sagot nito.

“Nga pala... How’s your mission?” tanong ni Raiton sa kaniya.

“It was a success,” walang ganang sagot nito. “That’s the longest mission we had. Isang buwan din akong wala rito sa Academy.”

So missions could take that long. I wonder what was his mission.

Nang tingnan ko muli si Shin, ganoon pa rin ang itsura niya: nakabusangot at tila naiirita. What’s his problem? Kanina lang ay ang kulit niya.

Nagbuntong-hininga na lang ako’t nagpatuloy sa pagkain. Maybe, he’s just tired. Kahapon lang pala siya nakauwi at hindi pa yata nakapagpahinga nang mahaba.

Patapos na akong kumain niyon nang magpaalam si Angie at Michi. They wanted us to wait for them here so we did. Hindi pa rin naman tapos si Mizu at mukhang o-order pa nga ulit.

I looked down and got my phone from my pocket when it beeped. As I opened it, it was flooded with messages. Halos lahat doon ay kay Keirra at isa lang talaga ang galing kay lolo at lola. They were greating me a happy birthday though we already celebrated it at the mortal world. May tula pang ginawa si Keirra sa akin at napangiti na lang ako.

“Who’s texting you?”

Liningon ko si Sairi nang itanong niya ‘yon. His face was serious and a bit irritated.

“My family,” sagot ko.

Nagliwanag din ang mukha niya sa hindi ko malamang dahilan. Then he looked away.

“Happy birthday to you~”

“Happy birthday to you~”

Nanlalaki ang mga matang nabaling ang tingin ko kina Angie at Michi na may dala na ngayong cake. They were all singing a happy birthday to me at nakigaya na rin ang iba pang mga estudyante na nasa cafeteria. Hindi ko mapigilang mapakawalan ang malawak na ngiti at natawa pa nga nang linagyan pa ng kulot ni Mizu ang pagkanta niya. Nang matapos silang kumanta, linapag nila ang cake sa harapan ko nang nakangiti.

“Pa’no n’yo nalaman?”

Si Sairi lang ang may alam ng birthday ko. Hindi ko sila nasabihan tungkol doon.

“Sairi told us,” nakangiting sagot no Hikari st kumindat.

Nabaling ang tingin ko kay Sairi na nasa tabi ko lang. I caught him looking at me yet he looked away immediately and bit his lower lip.

“Thank you...” I said even if he wasn’t looking.

Nang mahipan ang kandila, si Mizu rin agad ang naghiwa sa cake at tumikim dito. Dahil sa inis ni Angie ay kumuha siya ng icing at pinahid sa mukha nito. Natatawa ko silang pinagmasdan.

“You want an icing fight, huh?” nakangising ani Mizu at kumuha na rin ng icing pero tumakbo na si Angie palayo kaya si Raiton na nasa gilid niya lang ang pinahiram niya niyon sa mukha.

Niji Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon