Hindi ako nakatulog agad nang magbalik sa dorm kaiisip sa nangyari. It seemed surreal that it made me think those were just my imaginations. I spent the midnight convincing myself that it was real. It happened. Buti na lang at Biyernes niyon at walang pasok kaya ayos lang nang tinanghali ako ng gising.
I got out of the dorm, planning to have a lunch at the cafeteria. As I entered the elevator, my phone rang and I immediately got it from my pocket to answer the call. It was Hikari.
“Hmm. Bakit?” inaantok kong sagot.
Nakaligo naman na ako pero hindi yata naibsan niyon ang antok ko.
“Kagigising mo lang?” tanong niya.
Maingay ang background niya. Halatang kasama niya ang LEs at nagbabangayan na naman siguro ngayon.
“Yeah...” sagot ko, nakatingin sa pintuan ng elevator.
“Puyat ka yata.”
“Medyo. Bakit pala?” tanong ko.
“Wala naman. We just want you to join us for lunch.”
“Sige. Nasa cafeteria na ba kayo?”
“We’re on our way there.”
“Kita na lang siguro tayo roon,” sagot ko at pinatay na ito.
Lumabas agad ako nang bumukas ang elevator at nagtungo sa main building kung nasaan ang cafeteria nang may humablot sa kanang braso ko dahilan para mapahinto ako.
Masama ang tinging nilingon ko ang may gawa niyon at naghahanda ng tarayan ito ng makilala ko ito.
“Shin...” Napabuga ako ng malalim na hininga, kinakalma ang sarili. “Nanggugulat ka naman. Hobby mo ba ‘yon?”
Natawa siya’t umiling saka binitiwan ang braso ko. “Lutang ka lang talaga. I’ve been calling you but you didn’t seem to hear me.”
“Sorry. May iniisip lang,” sagot ko’t nagpatuloy sa paglalakad.
“Gaano kalalim ‘yan at tila nalulunod ka?” kyuryoso niyang tanong.
“Sekretong malupit.”
Natawa siyang muli at nailing. “You seem to be going to the cafeteria. Doon din ang punta ko. Can I join you then?”
Ngumiti ako’t agad na pumayag. “Sure!”
This wasn't the first time anyway. He seemed nice naman and outgoing. Sa tingin ko nga’y magkaibigan na kami kahit pangalawang beses pa lang naming pagkikita ‘to.
Lumawak ang ngiti niya’t napahawak siyang muli sa braso ko. “Alright!”
Nabaling ang tingin ko roon. “Masyado ka namang masaya. ‘Yong braso ko.”
He flushed as he removed his hand on my arm. Ngumiti pa siya ng pilit at nag-iwas ng tingin. “Sorry.”
Natawa ako’t nailing na lang. “Okay lang.”
Ang cute niya namang mahiya, namumula.
As we continued walking and talking to each other, we heard a sudden and fake cough at the back. Sabay kaming lumingon ni Shin doon at napangiti ako nang makita ang LEs.
“Oy! Akala ko nasa cafeteria na kayo!”
“Papunta pa lang talaga kami,” masiglang sagot ni Michi. “Hinanap pa kasi namin si Sairi,” dugtong niya pa, saglit na ibinaling ang tingin kay Sairi.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...