[FIROAH]
Busangot ang mukhang tinalikuran ko si Sairi at naglakad palayo. Ngayon, inunahan ko na siya sa pag-walkout. As if namang susundan ko talaga siya.
He’s kind of weird today. He couldn’t look at me in the eyes, samantalahang kahapon, nakipagtitigan pa siya sa akin at inasar pa ako. He was cold too—not that he wasn’t before. Ganoon naman na talaga siya noong unang araw ko rito sa school at i-tour niya ako rito.
He’s just like weather; sometimes warm and calm, but often cold and messed up. Tss.
Dumeretso ako sa likod ng dorm at naupo sa mahabang bench habang nakatanaw sa mga tulay sa harapan. Iyong pinakadulong tulay sa kanan ay patungong clubhouse at mukhang marami ang papunta roon ngayon dahil walang pasok. Dumarami na rin ang mga nijius na dumadaan sa harapan ko papunta sa mga tulay.
I haven’t been in the clubhouse and in the park. Mall pa lang ang napuntahan ko.
I sighed as I remembered what my grandparents told me when we visited them after our mission. They were supposed to visit me here since I won at the ranking battle. Mapapasyal ko sana sila rito pero ani lola’t lolo, medyo marami silang pinagkakaabalahan kaya hindi sila makabibisita rito.
Maybe, next time, they can visit me here if I win again.
I glanced at my wrist watch to check the time. It was already 12:00PM. Kaya pala nagugutom na ako. I stretched my hands and back then stood up. As I traipsed, I heard an unfamiliar voice coming from my back that made me startled. I stopped and turned around to look at him.
“Hi!” pag-uulit niya pa nang humarap ako. He’s smiling.
Masama ang tingin ko sa kaniya.
“Nagulat ba kita?” tanong niya nang mapansin iyon.
“Hindi naman. Napatalon nga ako, eh,” I answered in a sarcastic tone.
Natatawang pinasadahan niya ng ksniyang mga daliri ang kaniyang buhok. “Sorry.”
“Ano’ng silbi ng batas natin kung lahat nadadaan sa sorry?” masungit kong tanong.
Natawa siya. “Hindi naman lahat ng kasalanan, kailangang idaan sa batas. Sometimes, a simple sorry will do to fix the mistakes. But it depends on how big or heavy it is.”
Ngumuso ako, hindi makapagsalita. He’s kinda right. I don’t want to argue anymore.
“Whatever,” sabi ko na lang saka nagpatuloy muli sa paglalakad.
It was my first time seeing that guy but he seemed familiar. Para bang may kamukha siya. He’s handsome though. He had that flawless white skin, monolid eyes, sexy lips, and pointed nose. Matangkad din siya.
Napailing na lang ako saka nagtuloy na sa pagpasok sa cafeteria. Agad akong pumunta sa counter upang pumili ng pagkain at naghanap ng puwesto nang matapos. Pumuwesto ako sa pinakadulo at pangdalawahang lamesa katabi ng babasagin at transparent na bintana. Lumingon ako saglit doon saka binaling ang tingin sa pagkain ko nang marinig na naman ang boses ng lalaking nakasalubong ko kanina.
“Puwedeng maupo rito?”
Nag-angat ako ng tingin at sumimangot. Sinusundan niya ba ako? Hindi naman sa nagdadamot ako ng upuan, pero gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon.
“Ayaw ko,” masungit kong sagot at muling ibinaling ang tingin sa plato ko.
“Hindi ka ba naawa sa akin? Wala ng vacant seat. Dito na lang,” aniya, nangungumbinsi.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...