Hahanapin ko pa sana sina Keira kung sa'n na sila nang mag-text siya sa akin na nakauwi na sila. Kaya nag-teleport na lang ako agad sa bahay at naabutan silang nag-aabang sa akin.
"Ayos ka naman?" tanong ni lolo nang makalapit. Sinuyod niya pa ako ng tingin. "Basa yata ang mga damit mo."
Napakamot ako sa ulo. "Muntik ko na po kasing ginawang swimming pool ang mall."
Naiiling na tiningnan ako ni lola. "Magpalit ka na ro'n."
Hindi na sila nang-usisa pa sa buong detalye ng pangyayari. Hindi naman na kasi bago sa kanila ang pakikipaglaban ko. Si Keira sa gilid ay nakatingin lang sa akin. Batid kong kating-kati na siya magtanong pero hindi nga lang niya magawa.
Nang gumabi't nasa kuwarto na kami ay nagkaroon na siya ng pagkakataon upang tanungin ako sa nangyari. Sinabi ko sa kaniya ang buong detalye at para siyang batang nakikinig sa akin: bilog ang mga mata sa pagkamangha, at umaawang pa ang mga labi.
"Kailan po ba ako papasok sa Niji Academy?"
Nasa salas kaming lahat at nanonood ng TV, nang tinanong ko 'yan kanila lolo at lola. Nabaling ang tingin nila sa akin kasama na roon si Keira. Alam na niya ang tungkol sa Niji Academy dahil kinukuwento ko iyon sa kaniya bago matulog.
"Apo, hindi madaling pumasok sa Niji Academy. Dadaan ka muna sa battle exam para makapag-aral do'n," sagot ni lolo.
Kumunot ang aking noo. Ngayon ko lang kasi nalaman ang tungkol sa battle exam. Hindi nila naikuwento na may ganoong patakaran pala upang makapasok sa Niji Academy. Akala ko'y magpapa-enroll lang doon at magbabayad ng tuition katulad na lang sa mga paaralan sa mundong kinalakihan ko.
Ano naman kaya 'yong battle exam? Siguro'y katulad lang 'yon sa entrance exam ng pinasukan kong University dati-kailangan lang sumagot ng mga questionnaires patungkol sa course na kukunin.
"Gano'n ba 'yon? Kailan po ang Battle Exam na 'yan?"
"Sa pagkakaalam ko, noong nakaraang dalawang buwan pa ginanap ang Battle Exam at Julyo dos na ngayon." Si lola na ang sumagot.
Nanlumo ako sa narinig. Tapos na pala ang exam na 'yon. Ibig sabihin ay sa susunod na pasukan pa ako makakapagpa-enroll. Ang tagal naman niyon!
"Sa next school year na lang pala ako makakapasok doon," mahinang sabi ko, naninikip ang dibdib.
Kasi naman, eh. It's my dream to be a student of that Academy. Mas mae-enhance ko ang kakayahan ko kapag nag-aral ako sa paaralang 'yon. Ang paaralang 'yon ang pinakaprestihiyosong paaralan dito sa Niji kaya nga dala-dala talaga niyon ang pangalan ng mundong ito.
'Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Mababaw lang kasi talaga ako at nakakainis 'yon dahil sa tingin ng iba'y ang oa ko. Eh, sa may mga tao-nijius talagang mababaw ang luha, eh. We have different levels of sensitivity. You can't judge someone who cry easily, just because you aren't like that. Magkaiba tayong lahat. Kahit ang mga kambal nga'y may pagkakaiba rin.
"Tahan na, bes. Pumapangit ka 'pag umiiyak, eh."
Sinamaan ko ng tingin si Keira at napapaisip na lang kung bakit ko ba siya naging bespren. Eh, lagi naman niya akong pinipintasan.
"Pero napanuod ko kahapon sa balita sa TV na nagbibigay ang Niji Academy ng last chance sa mga gustong mag-aral sa Academy."
Napatingin ako kay Lola at agad na nagliwanag ang mukha ko nang sabihin niya 'yon. "Ibig sabihin, may battle exam ulit?" paninigurado ko. Baka kasi guni-guni ko lang na sinabi ni lola 'yon dahil sa kagustuhan kong makapasok ngayong taon.
Ngumiti sina lola at tumango dahilan para mapangiti ako nang malawak. "Yes! Makakapasok na ako sa Niji Academy!"
"Makakapasok ka kung mananalo ka sa Battle Exam," ani lola.
BINABASA MO ANG
Niji Academy [Completed]
FantasyFiroah's a young lady and was born in Niji, a magical world, with supernatural abilities, but was raised in the mortal world. She is fated to fight against darkness that's planning to colonize Niji. As she goes home in the world where she truly belo...