Prologue

70 3 0
                                    

P R O L O G U E
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Malalim na bumuntong hininga si Zephire habang naglalakad siya papunta sa kwarto ng kaniyang nanay. Ngayon kasi ang kaarawan ng nanay niya ngayon kaya napag-isipan ng dalaga na surpresahin ang kaniyang nanay ngayon.

Her mom deserved love from her lovely and gorgeous daughter. That's why Zephire gives all her love to her mom only.

Kung tatay ang pag-uusapan ay agad nang aalis si Zephire sa usapan dahil ayaw niya sa lahat ang pinag-uusapan niya ang tungkol sa tatay niya.

"Ano ba naman 'to. Bakit ba ako kinakabahan? I surprise ko lang naman si nanay nagkakaganito pa ko," inis na bulong ni Zephire sa sarili at mahinang pinalo ang sariling ulo.

Malakas siyang bumuga ng hangin at pinalobo ang kaniyang pisngi. Inayos niya muna ang manipis na cardigan na nakapulupot sakaniya at tuluyan nang kumatok sa bulok na kahoy na pintuan ng kwarto.

Dahan-dahan lang ang pagkatok niya dahil baka kapag nilakasan niya ang pagkatok ay biglang bumigay na nang tuluyan ang pintuan ng kwarto ng nanay niya. Wala pa silang sapat na pera upang ipaayos iyon.

"Nanay, nand'yan po ba kayo?" magalang na tanong ng dalaga habang naka dikit ang tenga niya sa pintuan.

Agad siyang napa-ayos ng tayo ng marinig niya ang pag-hakbang ng nasa loob. Inayos niya ang hawak na malaking plato at gamit ang malayang kamay at pinapaypay niya ang mga lamok na mapangahas na lumilipad sa ibabaw ng cake na ginawa niya.

Mabuti na lamang at pinautang siya ni Matthew ng pera upang makagawa siya ng sapat ng cake para sa birthday ng nanay niya.

"Nandito ako, Zephire anak," sabi ng pamilyar na boses kaya hindi niya maiwasang mapangiti ng malawak.

Sa tuwing naririnig niya ang malambing at malumanay na boses ng kaniyang nanay ay hindi niya maiwasang mapangiti ng malawak. Pero sa tuwing naririnig niya ang baritonong boses ng kaniyang tatay ay mas gugustuhin niya na lang na mawalan ng tenga.

"Open your door, nanay," nakangiting sabi niya.

Ng makita niyang unti-unting bumubukas ang pintuan ay mas lalong lumalawak ang ngiti niya na halos mapunit na ang mapula niyang labi.

"Surprise nanay!" nakangiting sigaw niya ng humarap na sakaniya ang nanay niya. Agad niyang sinindian ang kandila at nilapit ang ginawa niyang chocolate cake sa harapan nito.

"Make a wish!" malambing niyang sabi habang titig na titig sa dark brown nitong mga mata.

Isa pa ito sa pinapasalamat niya sa diyos dahil namana niya ang dark brown nitong mata kaysa sa gray na mata ng tatay niya. Kumbaga naging mas kamukha niya ang nanay niya kaysa sa tatay niya.

"Talagang gumastos ka pa ng cake para lang sa'akin?" nakangusong sabi nito at pumikit saka pinag-dikit ang dalawang palad.

Mahinang napahigikgik si Zephire. "Syempre, para sa inyo naman 'to. Saka It's your birthday kaya."

Dumilat na siya at mabilis na hinalikan ang noo ni Zephire. Mabilis namang kumapit ang isang braso ng dalaga sa maliit na bewang ng kaniyang nanay at nakangiting matunog na hinalikan ito.

"Thank you so much, Zephire anak," malambing niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.

Agad namang lumambot ang expression ni Zephire at may kung anong humamplos sa puso niya habang tinititigan ng maigi ang mukha ng kaniyang ina.

"Walang anuman, nanay."

Malaking pasasalamat na lamang ni Zephire at hindi umuwi ngayon ang kaniyang tatay. Kung sakaling umuwi 'yun ay baka naghasik na naman ito ng lagim.

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon