C H A P T E R 2 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Agad nag angat ng tingin ang dalaga. Tuluyan ng kumabog ng malakas ang puso niya sa kaba ng makitang wala man lang konsensya na bumalatay sa mukha ng kaniyang tatay.
Talagang sinasadya niyang patamaan ang ulo niya!? Napaka walang hiya talaga!
"Hinding-hindi ako makokonsensya sa ginawa ko sa'yo, Zephire. Deserve mo 'yan dahil napaka pakilamero mong bata-"
"Napakasama mong hayop ka!" malakas na sigaw niya.
Buong lakas siyang tumayo at tinulak ng malakas ang tatay niya. Dahilan para bumagsak ito sa lamesa at nasira pa iyon. Akmang kukunin niya na ang boteng nasa lapag ng maramdaman niya na naman ang sakit sa ulo niya. Hindi niya na napigilan na bumagsak nang tuluyan sa lapag.
"Tangina mo talagang bata ka! Hindi ka nagtatanda sa mga binabanta ko sa'yo!"
Bago pa nito hampasin muli ng bote sa ulo ang dalaga ay agad niya ng sinipa ang tuhod nito kaya napahiga na naman ito. Kumuha na ng chance si Zephire na tumayo at tumakbo palabas.
Rinig niya pa ang malakas na sigaw nito kaya mas binilisan niya pa ang pagtakbo. Kasabay ng pag-agos ng dugo sa pisngi niya ay gano'n din ang kaniyang mainit na luha.
Habang tumatakbo siya palayo sa imyerno ay sumisikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan ngayon. Deserve niya ba talagang masaktan ng ganito? Sa sobrang pasaway at tigas ba ng ulo niya kaya siya nasasaktan ng ganito?
Sobrang gulo na ng utak niya kung deserve niya ba talaga ang sakit na nadarama niya ngayon o hindi. Ang utak niya ay nagsasabing oo habang ang puso niya naman ay nasasabing hindi.
"Oh god! Zephire!"
Agad siyang nag-angat ng tingin ng makarinig na pamilyar na boses. Mas lalong sumikip ang dibdib niya at mas lalong bumilis ang paglimbis ng luha niya ng makita si Matt na tumatakbo papunta sakaniya.
"Oh my gulay! Anong nangyari sa'yo!?" nag-aalalang sabi nito habang hawak-hawak ang pisngi niya.
Hindi siya nakasagot kaagad dahil para bang may nakabara sa lalamunan niya. Sa halip ang sinagot niya ay malakas na hagulgol.
"Shit ka. You're bleeding! Halika na punta tayo ng hospital," seryoso niyang sabi. Tumango lang siya at nagpa-aalalay kay Matthew na makasakay sa kotse nito.
⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇
"Sabi ko naman kasing tawagan mo ko kapag sinaktan ka ng aso niyo eh. 'Yan tuloy nagka rabbies ka," nakangiwing sabi ni Matthew habang kumukuha ng tubig s akusina.
Mahina siyang natawa saka dahan-dahang sumandal sa malambot nitong sofa.
"At paano naman kita matatawagan sa kalagitnaan ng pag atake ng aso ko, aber?"
Nakasimangot na lumapit ito sakaniya at binigay ang tubig. Agad niya naman ito kinuha at dahan-dahang tinungga.
"Jusko ka, Zephire. Wag ka na ulit makisama sa problema ng aso mo ha!? 'Yan tuloy napapahamak ka."
Malakas siyang bumuntong hininga at binigay ang baso sakaniya. "Hindi ko naman kasi maiwasan. Ini-scam niya kaya niya 'yung tita ni Azriel!"
Nakalabing tumango ito. "Ah, kung kaibigan mo dati?"
Tumango siya at binagsak ang ulo sa sandalan ng sofa. Agad siyang napangiwi ng maramdamang kumirot na naman ang ulo niya.
Nakita naman iyon ni Matthew kaya malakas siyang tumawa at marahang hinawakan ang ulo niya. "Kawawa ka tuloy ngayon."

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Novela JuvenilZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...