C H A P T E R 3 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Natagpuan na lamang ni Zephire ang sarili na tumatakbo papunta sa terminal ng bus. Kailangan niya ng tumakbo dahil baka wala na siyang maabutan kapag na late siya ng luwas.
"Kuya dadaan naman 'to sa San Catangi, d'ba?" hingal na tanong niya sa kondoktor.
Agad itong tumango. "Oo, iha. Sumakay ka na dahil aalis na ang bus."
"Maraming salamat po," nakangiting sabi niya at umakyat na.
Naghanap muna siya ng bakanteng upuan. Napangiwi na lang siya na ang natitirang bakanteng upuan na lamang ay sa tabi ng isang lalaking tulo laway habang natutulog.
Wala na siyang nagawa kung hindi doon na lamang umupo at nilabas ang phone dahil naramdaman niyang nag vibrate iyon.
[Saan ka ba pupunta, Zeppy? Nag-aalala na kami dito,] bungad na tanong ni Joan sakaniya.
Malakas siyang bumuntong hininga at umayos ng upo. "Kailangan kong lumuwas ngayon papunta sa bahay nila lola, inatake kasi siya sa sakit niya eh. Wala na rin naman kasi si nanay kaya kailangan ko siyang puntahan."
Nakagat niya na lang ang labi niya ng maalala na naman ang nanay niya. Pinigilan niya ang nagbabadyang luha dahil ayaw niya muna ngayon magdrama.
[Kasama ko 'yung tatlong itlog ngayon. Kanina ko pa sila pinapaalis sa bahay pero aayw nila hangga't hindi raw kita nakakausap.]
Lumunok muna siya saka tumingala. "Sabihin mo na lang na nagka emergency kaya kailangan kong pumunta kung saan. 'Yun lang ang sabihin mo, Joan. Wag mong sasabihin kung saan at ano ang nangyari."
Hindi nila pwedeng marinig ang lugar kung saan siya pupunta dahil baka ma trigger pa 'yung mga alaala nila.
[Sige. Basta mag-iingat ka d'yan hah! Wag kang magpapagutom saka tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ko d'yan.]
Tumango siya na animo'y nasa harapan niya lang ang kausap. "Oo, sige. Salamat, Joan."
[Sus, ikaw pa?]
Mahina siyang natawa dahil doon. Sobra talaga siyang nagpapasalamat dahil kahit anong mangyari ay laging nand'yan si Joan upang alalayan siya sa lahat ng gagawin niya sa buhay.
Binaba na niya ang tawag at nagbayad na ng pamasahe niya. Limang oras ang byahe kaya mga madaling-araw na siya makakapunta doon sa hospital.
Pinagsiklop niya ang sariling kamay at mataimtim na nagdasal, na sana ay hindi mahuli ang lahat pagdating niya doon.
⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇
"Lola!" impit na sigaw niya ng sa wakas ay nahanap niya na rin ang lola niya.
Gising na ito ngunit nahihirapan itong gumalaw kaya agad niya itong nilapitan at hinawakan sa kamay. Dumating bigla ang doctor kaya nag sunod-sunod nag tanong niya.
Habang pinapaliwanag sakaniya ng doctor ang lahat ay may libo-libong karayom ang tumutusok sa puso niya. Ginawa ni Zephire ang lahat upang hindi siya tuluyang umiyak sa harapan ng lola niya.
Hindi siya pwede ngayon panghinaan ng loob dahil sakaniya na lamang kumukuha ng lakas ngayon ang lola niya.
"May nararamdaman pa po ba kayong sakit?" marahan niyang tanong habang tinititigan ang mukha ng kaniyang lola.
Puno iyon ngayon ng lungkot at paghihirap pero pinilit pa rin nitong ngumiti sakaniya. Hinaplos nito ang buhok niya kaya hindi niya maiwasang mapapikit.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Teen FictionZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...