Epilogue

22 1 0
                                    

E P I L O G U E
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Akmang lalakad na siya ng bigla na lamang siyang yakapin ng tatay niya ng sobrang higpit. Mas lalo siyang naluha dahil doon. Ngayon niya lang naranasan at nakaramdam ng mainit na yakap mula sa tatay niya. Dati niya pa 'to hinihiling at napaginipan niya pa 'nga dahil sa sobrang pagkasabik. 

Hinding-hindi niya na inaasahan na mayayakap siya ng tatay niya dahil hindi niya na inasam pa iyon. Pero ngayon na nararanasan niya ay sobrang proud niya sa sarili. Dahil nanatili siyang buhay at nakaabot siya sa pangyayaring 'to sa buhay niya. 

Pero katulad 'nga ng sinisigaw ng isip at utak niya ay hindi na sila ulit pwedeng magkita pa. Dahil ayaw niya ng bumalik pa lahat ng masamang alaala at higit sa lahat, ayaw niyang pilitin ang sarili na patawarin ito. 

Ito na ang una at huling yakapan nila. 

"S-Sundin m-mo lahat n-ng sinabi ko," garlgal na bulong niya at napapikit na lang upang damahin ang init ng yakap ng isang ama na ngayon niya naranasan. 

Hinaplos nito ang buhok niya kaya mas lalong bumilis ang paglimbis ng mga luha sa pisngi niya. Halos hindi na siya makahinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib niya. 

"A-Anak ko," malambing na bulong nito at hinalikan ang ulo niya. 

Kinagat niya kaagad ang labi niya upang hindi lumabas ang malakas na paghagulgol niya. Gustong-gusto man niya manatili sa mga braso nito ay hindi pwede. Ayaw niya na maasanay pa sa init ng katawan nito at lambing ng mga kamay niya kaya agad niya na itong tinulak. 

Nakita niya na punong-puno na rin ito ng luha sa mukha. 

"A-Alis n-na ko-" 

"Anak please. Nagmamakaawa ako sa-" 

Akmang hahawakan pa siya nito ng bigla na lamag may sumuntok sakaniya, dahilan ng pagbagsak nito sa lapag. 

"Don't go near him again. Kapag nakita pa ulit na hinawakan si Zephire lahat ng baho mo ilalabas ko. Sisiguraduhin ko na this time na maghihirap ka katulad ng daga," malamig pa sa yelong sabi ni Aron at agad ng hinila si Zephire papunta sa labas. 

Naka alalay lamang si Aron kay Zephire hanggang sa makasakay na sila ng kotse. Hindi matigil ang paglabas ng luha niya habang nakatitig lamang sa kawalan. 

"Are you okay? Sinaktan ka ba ng gagong 'yun?" galit na tanong nito habang sinisipat ang katawan ng dalaga. 

Hindi sumagot si Zephire at nanatiling nakatulala lamang sa kawalan. Paulit-ulit na lumalabas sa utak niya ang imaheng kayakap niya ang tatay niya na noong bata pa lamang ay pangarap niya na mangyari. 

"Shit," malutong na mura nito at puno ng pag-aalalang tinawagan ang mag ina. 

Hanggang sa dumating sila Azriel ay nakatulala pa lamang siya. Pero niyakap niya ng napakahigpit si Azriel na halos gusto niya ng kumandong dito. 

Mukhang nakuha nito ang sinasabi ni Zephire sa isip niya. Maingat niyang binuhat si Zephire papunta sa kandungan niya at mahigpit siyang niyakap. Hindi na nila pinansin ang magulang ni Azriel na nasa harapan. 

Napaklma naman siya kaaagd ni Azriel dahil sa walang tigil nitong paghalik sa ulo niya at bulong ng mga salitang nakakagaan sa loob niya. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon