Chapter 41

2 1 0
                                    

C H A P T E R 4 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Napangiwi na lang ang batang Zephire ng marahas siyang hinagis ng tatay niya sa bodegang pinagkulungan ng tatlong itlog kanina. 

"Saan mo tinakas ang tatlong 'yun!? Sagutin mo ko!" malakas na sigaw sakaniya ng tatay niya habang mahigpit ang hawak sa panga niya. 

Pinilit ng bata na itikom ang bibig niya. Hindi na rin niya maigalaw ang katawan niya dahil sa panginginig 'nun. Ang puso niya ay puno na ng takot. 

Umiling lang siya habang lumuluha at nakatitig sa tatay niyang nanlilisik ang mga mata. Gustong-gusto niya ng matapos ang araw na ito pero alam niyang mahaba pa ang oras at marami pang mangyayari sakaniya. 

"Ano hindi ka sasagot!? Talagang sinusubukan mo ang pasensya ko sa'yong bata ka ah!" 

Nilukob ng matinding takot ang bata ng makita niyang kumuha ito ng makapal at malaking kahoy. Agad siyang napaupo sa sahig at nanginginig na umatras. 

Napasigaw na lamang siya ng bigla nitong hinila ang paa niya. Napapikit siya ng tumama ang matinding sakit ng ihampas sa paa niya ang makapal na kahoy. 

"Ano hindi mo pa sasabihin  sa'akin kung saan nagpunta ang tatlo!?" sigaw nito kaya mas lalong siyang nanginig. 

Hindi siya sumagot, at wala siyang balak sagutin iyon. Napasigaw na lang siya muli ng halos hindi niya na maramdaman ang mga paa niya. 

Pilit niyang iniiwasan ang paglabas ng malakas na hagulgol niya dahil ayaw niyang naririnig ang sarili na humagahagulgol ng malakas. 

"K-Kahit p-putulan n-niyo p-pa k-ko ng paa, hinding-hindi ko s-sabihin kung s-saan sila nagpunta," nahihirapan niyang sabi. 

Mas lalo siyang nilukob ng kaba ng makitang nag tagis ang mga panga nito at mas lalong dumilim ang mata nito. 

"Ahh! Tama na!" malakas niyang sigaw ng tuloy-tuloy nitong hinampas ang paa nito. 

Kahit naka-ilang sigaw na siya ay hindi pa rin siya tinitigilan ng tatay niya na hampasin ang paa niya. Wala siyang ibang nagawa kung hindi umiyak na lamang habang nakatingala, dinadama ang bawat hapdi na natatanggap niya. 

Mariin siyang nagdadasal na sana matapos na ang lahat at kahit kaunting awa ay maramdaman ng tatay niya para hindi siya tuluyang mapilay. O mas malala ay maputol ang paa niya dahil sa sakit na nararamdaman. 

"Sisiguradahin kong hindi ka na makakalakad at makakasayaw, kahit kailan!" 

Mariin siyang napapikit. Mas lalong sumikip ang dibdib niya ng biglang lumabas ang imahe na nagsasayaw siya ng ballet sa kaniyang isipan. Mas lalo siyang naiyak dahil alam niyang pagtapos ng araw na ito, hindi na siya ulit makakasayaw pa. 

Pero agad napadilat si Zephire ng marinig siya ng malakas na pagsipa ng pintuan. 

Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang tatlo na sobrang seryoso, halos wala na siyang mabasang emosyon mula sa tatlo. 

Sabay-sabay silang nagbaba ng tingin sa paa ni Zephire. Mas lalo pang dumilim ang mga mukha nila at puno ng galit ang mga matang tumingin sila sa tatay niya. 

Nakagat niya na lamang ang kaniyang labi ng makitang ngumisi ang kaniyang tatay. 

"Babalik din pala kayo-" 

"Let Zephire leave here," malamig na sabi ni Azriel dahilan para marahas na umiling si Zephire. 

"Ano bang mga sinasabi niyo!? Nababaliw na ba talaga kayo!? Pinatakas ko na 'nga kayo tapos babalik pa kayo dito!? Mga tanga tala-" 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon