Chapter 27

11 1 0
                                    

C H A P T E R 2 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Sa nag daan na ilang araw ay naging mas magulo ang buhay ni Zephire. Hindi niya alam kung bakit ginagawa ng tadahana na mas lalo silang paglapitin pa sa isa't-isa. 

Hindi na natatapos ang araw niya ng hindi niya naririnig na magka-away sina Willie at Joan, minsan pa 'nga ay nakikisali si Jaxsen sakanila. 

At dumagdag pa si Azriel dahil hindi niya na alam kung bakit sa tuwing magkasama sila ay para bang hinihiling ng dalaga sa likod ng isip niya na sana hindi na mawala pa si Azriel sa tabi niya. Marami na rin siyang iniiwasan na emosyon na nararamdaman niya lamang kapag nariyan si Azriel. 

"Mag summer break na d'ba!?" tanong ni Joan habang nakatutok sa phone niya. 

Wala sila ngayon teacher pero mamaya ay kailangan pa nilang bumaba sa may basketball court dahil simula na ng kanilang practice para sa pag moving up nila. 

"Malayo pa," sagot niya saka dumukdok sa lamesa. 

Sabay na bumagsak ang balikat nito, at ginaya ang pwesto niya. "Kawawa naman tayo. Gusto ko nang matapos 'to. Sawa na ko makita 'yung tatlong itlog na 'yan." 

"Same here," nakangiwi niyang bulong kaya sabay silang nag apir. 

"Masyado mo talaga ako crush 'no, Joan, kaya pinagbubulungan niyo ko," nakangising sabi ni Willie kaya sabay nila itong binato ng masamang tingin. 

"Mas makapal pa 'yang mukha mo sa libro sa library," inis na sabi ni Joan at hinagis sa mukha niya ang librong nasa table. 

Naiwasan naman nito ang librong hinagis kaya mabilis na naghagis muli si Joan ng libro. At this time ay natamaan na ang mukha niya kaya napa ngisi siya. 

"May trabaho ka pa mamaya?" 

Muntik pa siyang mabulunan sa sariling laway ng marinig niya si Azriel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na marinig itong nagsasalita ng tagalog. Nasanay na siyang laging english ang pananalita nito. 

Lumunok siya saka tumango. "Meron, bakit?" 

"Can I watch you while working?" he directly asks while staring at her intently.

Napakurap muli siya ng ilang beses habang hindi makapaniwalang nakatingin sakaniya. Bigla na namang kumabog ng malakas ang dibdib niya kaya agad siyang nag buntong-hininga. 

"Bakit mo naman ako papanoorin? Ano ka cctv?" nakangiwi niyang tanong. 

Umiling ito at nangalumbaba sa table. "I just want to watch you while working." 

Mas lalong lumaki ang ngiwi niya. "Ma bo-bored ka lang doon. Wag na. Mag stay ka na lang sa baha- este mansyon niyo." 

"I don't want to stay in our mansion," he pouted. 

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Dahil may ghost?" 

"No."

Bumagsak ang balikat niya saka nangalumbaba sa upuan niya. "Eh ano?" 

He leans forward to Zephire. She didn't immediately pull his head back because she was distracted by his attractive eyes and sharp nose.

"I just want to watch you all the time. I can watch you all day without feeling boring."

She swallowed when she felt her throat dry because of the way Azriel looked at Zephire. Even if she wants to not feel like that, her body and emotions always betray her.

Umubo siya ng malakas at agad inalayo ang sarli kay Azriel na natiling malapit sakaniya. Nag-iwas siya ng tingin at kinamot ang ulo niya. 

"Kahit na, wag ka nang sumama sa'akin. Baka makaagaw ka pa ng atensyon ng mga costumer eh." 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon