Chapter 46

2 1 0
                                    

C H A P T E R 4 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Napangiwi na lang ang dalaga ng makitang si Erina at Azriel na seryosong nag-uusap. Hindi niya alam ngunit hindi naman siya nakararamdamdam ng selos. Inis lang. 

"Oh kalmahan mo lang mare. Wag kang papatay ha walang magiging abogado dito," natatawang sabi ni WIllie habang tinatapik ang likuran niya. 

Matalim niya itong inirapan. "Uloks. Hindi ako nagpakahirap mag trabaho para lang maging kriminal." 

Tinapik naman ni Jaxsen ang ulo niya. "Tamang desisyon 'yan." 

Nginitian niya ng malawak ang binata at nag flip hair siya. "Ako pa ba? Sobrang bait ko kaya. Baka 'nga kunin na ko ni lord sa sobrang bai-" 

"Gago may gumagapang sa paa mo!" malakas na sigaw ni Willie kaya agad siyang napatalon. 

"Putangina kang gago ka tanggalin niyo 'yung putanginang gumagapang sa paa ko gago dalian niyo putangina punyeta!" sigaw niya habang tumatalon at panay ang paghampas sa paa niya. 

Kita niya sa gilid ng mata niya na maraming mga matang nakatingin sakaniya. Mga nandidiri ang mga tingin nila dahil sa narinig mula sa bibig ng dalaga. 

"Kahit kailan ay wala talaga siyang modo." 

"My gosh, hindi niya yata alam na nasa ball siya at pati kabahuan ng bibig niya ay dinadala niya dito." 

"Dapat hindi na lang sila umattend." 

Halos gusto niya ng umiyak dahil feeling niya talaga may gumagapang talaga sa paa niya. Baka mamaya ahas na pala iyon oh kung anong nakakatakot na hayop. 

Agad siyang yumakap sa braso ni Jaxsen at siniksik doon ang mukha. "Tanggalin mo putangina!" 

Imbis na tulungan siya ay tinawanan lang siya nito ng malakas kaya mas lalo siyang nawalan ng pag-asa. 

"Wala namang gumagapang sa'yo eh," nakangiwing sabi ni Joan kaya bigla na lang naging blanko ang utak niya. 

Unti-unting tumaas lahat ng dugo niya sa ulo niya. Dumilim ang paningin niya at agad tinignan si Willie. 

Ang kaninang naka ngisi na mukha nito ay napalitan ng takot. Agad niyang hinawakan ang balikat ni Joan at nagtago sa likuran nito. 

"Itago mo ko, shit!" nag pa-panic na sabi niya. 

Agad naman siyang siniko ni Joan sa t'yan niya, dahilan para agad mapalayo sakaniya si Willie. "Kasalanan mo 'yan. Wag mo kong idamay." 

"Joan na-" 

"Payag na kong maging kriminal basta mawala ka lang sa paningin ko!" sigaw niya at agad binasag ang boteng nasa tabi niya. 

Mas lalong nilukob ng takot ang binata ng bigla na lamang tumakbo palapit sakaniya ni Zephire. Mabilis na rin siyang tumakbo dahil mukhang seryoso ang dalaga sa sinabi niya. 

Hinding-hindi siya titigil hanggat hindi niya nakikitang may dugo si Willie. 

Halos ang ibang mga taong nadadaanan nila ay mapahiga na sa lapag dahil sa bilis ng takbo nilang dalawa, isama pa nila ang babasaging hawak ni Zephire na nakataas sa ere. 

"Punyeta ka tumigil ka kakatakbo!" inis na sigaw niya at akmang huhubarin na ang sapatos niya upang ihagis sa pwesto ni Willie ng may pumalibot na matikas na braso sa bewang niya. 

"Calm down, Zi," Azriel softly said while caressing her hair.

Napatulala naman siya sa mukha nito. Unti-unting kumalma ang sistema niya ng maramdaman niya ang paghagod ng malaking kamay nito sa buhok niya. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon