Chapter 50

9 1 0
                                    

C H A P T E R 5 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Apo bakit gan'yan ka?" nakangusong tanong ng lola niya kaya agad siyang lumingon dito. 

"Anong ganto ako lola?" taka niyang tanong at agad tinabihan ang lola. Mukhang mag dra-drama na naman ito. 

"Bakit ka kasi gano'n?" puno ng frustasyon na sabi nito kaya mas lalong kumunot ang noo niya. 

"Anong gano'n lola!?" 

Bumgsak ng sabay ang balikat nito at nawawalang pag-asang tinignan siya. "Bakit ka naman kasi gan'yan at gano'n!?" 

Puno ng frustasyon siyang napasabunot sa sarili. "Ano 'nga lola!?" 

Kung hindi lang niya lola ang kaharap ay baka kanina niya pa ito nasabunutan. 

"Willie iho, ayos na ba 'yun?" 

Nanlalaking mata niyang tinignan ang lola niya na ngayon ay may hawak ng phone. Ibig-sabihin ay inutusan lang siya ni Willie na sabihin iyon sakaniya!? 

Tumaas lahat ng dugo niya sa ulo dahil doon.

Bago pa makasagot ang lola niya ay agad niya na itong inagaw sa kamay niya at nilipat sa tenga niya. 

[Dagdagan niyo pa po 'yung sinasabi niyo. Sabihin niyo po na kailangan niyo ng pera tapos idahilan niyo po is nakapatay po kayo ng ipis at kailangan niyo siyang ipagamot dahil kawawa naman kung maiiwan ang pamilya niya na nag-iisa.]

Tinusok ng dalaga ang dila niya sa loob ng pisngi at ginulo ang sariling buhok dahil sa inis. 

"Sige Willie. Sasabihin ko 'yan sakaniya pero siguraduhin mo munang hindi kita ngayon maabutan sa bahay niyo." 

[Shit!]

Narinig niya pa ang pag-papanic nito sa kabilang linya bago niya iyon binababa. 

Syempre panakot niya lang 'yun dahil gabi na at hindi na siya pwedeng lumabas. Mamaya ay baka biglang may pumasok sa bahay nila at nakawan sila. Baka madamay pa ang lola niya kaya hindi siya aalis. 

"Sa susunod 'nga lola, wag na wag na kayong tumanggap ng tawag mula kay Willie. Mukhang hindi siya pinapainom ng gamot nila tita," inis na sabi niya at inalalayan na itong tumayo upang makatulog na sa kwarto niya. 

"Bakit naman? Mabait naman na bata si Willi-" 

"Hindi 'nga 'yun mabait. Kakasabi ko lang na hindi yata siya pinapainom ng gamot nila tita kaya gano'n siya." 

Kumunot ang noo niya lalo at dahan-dahang umupo sa kama. "Ano bang sakit niya?" 

"Sakit sa utak," natatawa niyang sagot at inayos ang unan nito. 

Napangiwi naman ito habang inaalalayan niyang makahiga. "Baka hindi na tumatalab ang gamot sa utak niya kaya hindi na siya pinapainom ng mga magulang niya." 

Malakas na natawa ito at agad nilabas ang phone niya at nag voice mail kay WIllie. 

"Ano 'nga po ulit sinabi niyo, lola." 

"Ang sabi ko baka hindi na tumatalab ang gamot sa utak niya kaya hindi na siya pinapainom ng mga magulang niya."

"Narinig mo 'yun Willie? Kawawa ka naman pala eh," natatawa niyang pang-aasar at akmang isesend na ito sakaniya ng magdagdag pa ang lola niya.

"Kamo magpadala na siya sa mental hospital para hindi na siya makapang perwisyo pa." 

"Punta ka na raw sa mental!" sigaw niya at malakas na tumawa saka sinend na kay WIllie. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon