Chapter 14

15 1 0
                                    

C H A P T E R 1 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Zephire!" 

Agad napatigil ang dalawa sa paglalakad at nilingon ang sumigaw. Tumaas ang kilay ng dalaga ng makita ang aso niya na nakawala sa bahay nila. 

Nakalimutan niya kasi itali 'yung aso nila, ayan tuloy nakawala. 

"Anak-" 

"Anong anak? SIno ka?" takang tanong niya dito at humigop lang ng starbucks. 

At sa inaashan dahil sa nakita nito ay kuminang ang mga mata nito. Nakita niya pa ang pagsulyap nito kay Azriel kaya halos sumalangit na ang kilay niya sa taas 'nun. 

Napa ikot na lang ang mga mata niya ng makita niyang mas lalong kuminang ang mga mata nito sa tuwa. Halata naman kasi sa awra at itsura ni Azriel na mayaman siya kaya siguradong naakit nito ang aso niya. 

Puno ng pagkamangha itong humarap kay Zephire. "Boyfriend mo ba siya anak-" 

"Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi mo ko anak? At isa pa wala kang paki kung boyfriend ko ba 'tong lalaking 'to o hindi. Kaya bumalik na kayo sa kulungan niyo." 

Agad na niya itong tinalikuran at mabilis na hinila si Azriel sa braso. Halata pang gusto nito kausapin ang matandang lalaki ngunit agad niya na itong hinila. 

"Do you know him?"  

Agad siyang umiling at mas binilisan pa ang paglalakad ng makita na hahabulin pa sila ng galang aso. 

Dapat nasa kulungan 'yan, hindi gumagala lang sa labas!

"Napakabastos mo talagang bata ka! Ako pa rin ang gumawa sa'yo kaya wala-" 

"Ulol. Wag mong ipagmalaki na ginawa mo ko dahil hindi mo naman talaga gustong magawa ako," inis na sigaw niya at mas binilisan pa ang paglalakad na halos tumakbo na siya. 

Ngayon ay gusto niyang suntukin ang matandang 'yun dahil sa lahat pa ng tao siya pa ang gumawa sakaniya. Pwede namang ibang tao na lang. 

"Kahit pag balik-baliktarin mo ang mundo ako pa rin ang magiging tatay mo. Kaya wag mo kong aangasan d'yan na para ba-" 

"Ilang ulit kong babaliktarin ang mundo para lang mabago ang magiging tatay ko, ulol." 

Tuluyan na silang nakapasok sa loob ng school nila kaya agad niya nang binitawan ang binata at mabilis na naglakad papunta sa building nila. Narinig niya pa ang sunod-sunod nitong mga pinagsasabi, kaya agad niyang tinaas ang middle finger niya habang naglalakad. 

Nakahinga na siya ng maluwag ng makarating na siya sa building nila. Binuksan niya na muna ang kapeng iniinom saka umakyat na. 

"Is he your father?" nag-aalangan na sabi ni Azriel na ngayon ay katapat niya na habang naglalakad. 

Agad namang umiling si Zephire at nag-unat. "Aso ko 'yun. Kaso hindi ko naitali bago ako umalis kaya ayun, nakalabas." 

Malaking pasasalamat niya ng hindi na ito nagsalita pa. Kahit na alam niyang marami itong katanungan ay ayaw niya na ito marinig at sagutin pa. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Ngayon ay nasa labas silaang dalawa habang gumagawa ng project na pinapagawa ng teacher nila. Sina Zephire at Azriel lamang ang nasa labas dahil pagkadating nila kanina galing sa labas ay may nagtuturo ng teacher sa harapan. 

Mabuti na lamang at kahit na huli na sila sa klase ay pinagbigyan pa sila ng teacher nila at binigyan sila ng project pero sa labas 'nga lang sila gagawa. Ang project nila ay pa puzzle at kailangan may mga gugupitin pa at sasagutan. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon