C H A P T E R 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Ito na po ang almusal!" masiglang sabi ni Zephire habang nilalagay ang mga plato na may lamang ulam na niluto niya. Syempre specialty niya ang niluto niya para sa magnanay.
"What's that?" nakangiwing tanong ni Joan na para bang ngayon niya lang nasilayan ang ganu'ng itsura nang ulam.
Sabay namang ngumiwi ang nanay nito at si Zephire.
"What's that?" inis na panggagaya ng nanay niya sakaniya kaya napasimangot na lamang si Joan at umupo kaharap ni Zephire.
"Hindi ba sasakit t'yan ko d'yan?" natatakot na tanong nito kaya mabilis siyang tinapunan ng masamang tingin ni Zephire.
"Mukha bang nakakasakit ng t'yan 'yan?" mataray niyang tanong dahilan para mapalabi ang kaibigan.
"Ahmm, kinda- Ouch mommy oh!" malakas na daing niya nang matamaan siya mismo sa noo ni Zephire ng kutsara.
"Kung ayaw mong kainin luto mo edi wag mong kainin. Bahala ka d'yan magutom," seryoso niyang sabi at sumubo nang pagkain.
Malaking pasasalamat niya at hindi lagi nakikisama ang nanay ng kaibigan sa tuwing nag-aaway silang dalawa. Mabuti na lang at hindi ito katulad nang ibang nanay na akala mo binubogbog na ang mga anak nila kapag nakikita nila na nakikipag-away sa mga kaibigan nila.
"Masarap naman 'tong adobong sitaw na niluto ni Zep," simpleng sabi ng nanay ni Joan habang tumatango.
Kiming napangiti si Joan at inipit ang buhok sa likuran nang tenga niya. Mukhang unti-unti niya nang nagagawang palambutin ang puso nitong matigas.
"Sige na 'nga. I will taste na," nawawalang pag-asa niyang sabi at sinubo ang pagkain nang nakapikit.
Hindi maiwasang magtanong ng dalaga sa isip niya kung saan ba nagmana ng kaartehan ang kaibigan at simpleng adobong sitaw lang ay para nang takot na takot na ito.
"Oh d'ba, masarap ang luto ni Zep. Sa susunod dapat ay hindi ka na nagrereklamo dahil mabuti pa siya ay magaling magluto," masungit na sabi nito dahilan para mapatigil sa pagsubo si Zephire at mabilis na nilingon ang kaibigan.
At sa inaasahan ay nakalabi na ito at puno nang lungkot ang mata. Mukhang na offend ito sa sinabi ng sariling ina. Dismayadong napailing na lamang si Zephire at malakas na bumuntong hininga.
Syempre gagamitin niya ang mga bibig niya para magsalita. Kaya 'nga ginawa ang bibig para magsalita, hindi 'yung ititikom mo lang.
"Kahit naman ho hindi marunong magluto si Joan ay magiling naman po siya sa mga bagay na hindi ako magaling. Sa katunayan 'nga po ay marami na 'yan natulong sa'akin. Hindi niyo lang po nakikita," magalang niyang sabi at mabilis na tinapos na ang pagkain.
Hindi niya na pinansin ang pares na mga matang nakatitig sakaniya. Kailangan niya nang mag madali dahil bago siya pumasok ay may dadaanan muna siya para ipadala 'yung cookies na binake niya para sa costumer.
"Mauna na po ako," magalang niyang sabi nang hindi tinitignan ang dalawa at mabilis na tumakbo palabas ng gate.
Sana lang talaga matauhan 'yung nanay ni Joan sa sinabi niya dahil kung nanatiling pikit ang mga mata nito sa katotohanan, ay mismong si Zephire na magmumulat nito para sakaniya.
⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇
Mabuti na lamang at hindi masyadong masungit ang costumer niya kaya maaga siya ngayon nakapasok sa eskwelahan nila. Kung nasa public school lang talaga siya ngayon ay baka hindi nahahati ang pera niya, at diretsyo sa alkansiya niya 'yun para sa pang senior high at college niya.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Novela JuvenilZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...