Chapter 13

15 1 0
                                    

C H A P T E R 1 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Napsimangot na lang si Zephire ng makitang nakatitig lamang si Joan kay Jaxsen na ngayon ay nakahiga sa kama. 

Ngayon ay nasa principal office sila. May isang kwarto sa gilid na mukhang kwarto iyon. Siguro doon nagpapahinga ang principal nila sa tuwing nasa school siya. 

Naka bukas kasi ang pintuan kaya kita nila kung anong ginagawa ng doctor kay Jaxsen. 

Ngayon ay gusto na lamang ng dalaga na sabunutan si Joan dahil inako niya na ang kasalanang nagawa niya para iligtas siya, pero bigla na lang sumingit si Joan at inamin na siya talaga ang gumawa 'nun. 

Kaya ngayon ay nasa principal office na sila. Hindi man lang niya nakuha ang kape niya mula kay Azriel kaya inis na inis na siya ngayon. 

Sigurado siyang lalamig na iyon kaya wala na ring kwenta 'yun. 

"Sa ngayon ay papalagpasin ko na muna ang ginawa mo Joan. But next time, If this happens again. I will call you mom."

Agad namang tumango si Joan. 

Napa-ayos naman ng upo si Zephire ng bigla siyang tapunan ng tingin ng principal. Medyo nakaka-intimidate ang awra niya pero halata naman sa mukha niya na mabait siya. 

"Zephire right?" 

Agad na tumango ang dalaga. 

"Next time, don't admit the sins of your friends. It's unfair for you." 

Nag kibit-balikat ang dalaga. "I will try, ma'am." 

Pagkatapos ng usapan na iyon ay agad na rin silang pinaalis doon kasama si Willie. Habang naglalakad sila sa hallway ay parang may anghel na dumaan sa pagitan nila. 

Halata kay Joan na nakokonsensya siya kanina dahil inuna niya gamitin ang emosyon niya bago ang utak niya. 

"Magsalita 'nga kayong dalawa," inis na putol ni Zephire sa katahimikan dahilan para sabay silang malakas na napabuntong hininga. 

Tinignan niya pa ang dalawa. Mukhang parehas sila na may malalim na iniisip kaya mas nauna na lang siya na maglakad sa dalawa dahil ang bagal nila maglakad. 

Pagkapasok niya sa room ay agad hinanap ng mga mata niya si Azriel.

"Nasaan si Azriel?" tanong niya ng hindi niya nakita ang binata. 

"Nawawala kasi bigla wallet 'nun kaya lumabas muna." 

Inis niyang tinignan ang pinagtanungan niya. "Eh paano 'yung kape ko!?" 

Agad naman 'tong humawak sa dibdib niya. "Ay puta wag kang magalit sa'akin." 

Inikutan niya lang ito ng mata at mabilis na pumunta sa upuan niya. Nag-iinit na ang ulo ngayon dahil hindi iniwanan ni Azriel ang kape niya bago siya umalis. Edi sana man lang kahit paano ay kumakalma na siya ngayon. 

"Where's the wallet of Azriel!?" 

Mas lalo pang nag-init ang ulo ni Zephire ng bigla niayng marinig ang pamilyar na boses. 

"Eh bakit ka muna nandito?" taas-kilay na tanong ni Gabriel. 

Hindi niya na lamang nilingon si Erina dahil baka tuluyan na siyang sumabog pag nakita niya pa ang nakakainis na pagmumukha niya. 

"To help Azriel to find his wallet. I'm sure one of you is the thief."

Lahat naman sila ay malakas na napasinghap. 

"Hoy may magnanakaw daw!" 

"Oo may magnanakaw talaga dito! May nagnakaw 'nga ng puso ko eh." 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon