Chapter 15

16 1 0
                                    

C H A P T E R 1 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Mas lalong sumama ang timpla ng dalaga ng makita niya ang aso niya ngayon na katapat niya. Pinasadahan niya pa ng dahan-dahan ang suot nitong damit. Madalas naman ang suot nito ay naka shirt lang at punit na pantalon.

Pero ngayon, para na itong milyonaryo dahil naka suit pa ito. Partida mayroon pa siyang shades na black kahit naman walang araw.

"Pinagtanggol lang naman namin si Erina kasi alam hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal ang babaeng 'yan sa trabaho niya-"

"Ano bang gusto niyong makita? Dumapa ako sa harapan niyo o kaya sa putikan tapos umiyak at magmakaawa na ibalik ang trabaho ko?" Malakas siyang tumawa habang pumapalakpak. "Hoy boba, hindi 'to isang teleserye."

"Your mouth, Zephire," nagbabantang sabi ng principal kaya agad siyang napatikom.

Nadala lang sa emosyon, pasenysa.

"Ako na po ang humihingi ng tawad para sa anak kong si Zep-"

"Wala akong tatay," seryoso niyang sabi at tinaasan ito ng kilay.

Kita niya pa ang pagkunot ng mga noo ng mga taong kasama nila ngunit hindi niya na iyon pinansin pa.

"Pero ang nakalagay dito ay si Mr Zarino Manalastas ay ang guardian mo-"

"Guardian ko lang po talaga siya, hindi ko po siya tatay," nakangiti niyang sabi habang titig na titig sa mukha ng aso niya.

Kita niya pa ang mabilis na pagsilay ng lungkot sa mata niya ngunit agad din nawala iyon. Wala sa sariling napangiwi na lang si Zephire.

Anong pakiramdam ng sarili mong anak kinakahiya at itatanggi ka? Parehas kaya sila ng nararamdaman ni Zephire noong narinig niyang itinanggi mismo ng tatay niya na anak siya nito.

Bumuntong hininga na lang ang principal at agad hinilot ang sentido. Marami pa itong sinasabi at tinatanong sakanila pero nakatitig lang siya sa aso niya at kay Erina na palihim nag-uusap.

Gusto niya ng saksakin ng paulit-ulit ang mga mukha nila dahil mukhang sobrang saya nila mag-usap kahit na sobrang layo naman nila.

Ang papanget ng mga mukha nila. Ang sarap tanggalin.

"So, I can see na ang may mali talaga dito ay ang section 2. Sumugod kayo ng dahil lang sa maliit na dahilan? At isang linggo na ang nakalipas noong mangyari iyon. Kaya kahit saan mo tignan ay mali talaga kayo, Erina."

Napangisi na lang si Zephire at prenteng sinandal ang likuran sa upuan at saka pinag krus ang mga braso. Nakita niya pa ang matinding inis sa mga mata nito pero binelatan niya lang ito.

Neknek mo. Kayo talaga ang may kasalanan hindi ako.

"What the... Bakit kasalanan pa ng anak ko-"

Hindi niya na pinatapos ang pagsasalita ng isang nanay ng tumayo na siya at nakangiting humarap sa principal.

"Tapos na naman po siguro 'tong walang kwenta na meeting 'to hindi po ba? Aalis na po ako kasi baka ma late pa ko sa trabaho ko," may diin niyang sabi at mabilis na silang tinalikuran.

Pagabi na rin at naririnig niya na ang mga ibang studyante na nag-iingay dahil uwian na. Alam niyang sanay na rin ang principal sa ugali niya kaya hindi na siya nag-aalala pa na baka magalit ito.

"Zephire!" rinig niyang sigaw ni Azriel kaya agad siyang tumigil sa paglalakad at nilingon ito.

"Problema mo?"

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon