Chapter 5

18 1 0
                                    

C H A P T E R 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Ngayon ay nakatitig lamang si Zephire sa dalawang binata na nag-aaway. Dapat ay hindi na lang siya umasa, ayan tuloy ngayon ay parang pinupunit na naman ang puso niya habang pinapanood ang dalawa. 

Mahina siyang natawa at mariin na sinabunutan ang sarili. "Tanga." 

"Huh, sinong tanga?" biglang bulong ni Matthew mismo sa tainga niya kaya bahagyang napatalon ang dalaga dahil sa gulat. 

Inis niyang hinampas ng malakas ang braso nito. "Ikaw, ang tanga-tanga mo." 

Ngumuso naman ito habang hinihimas ang brasong napalo niya. "Ako pa ngayon." 

Hindi niya na lang ito pinansin at tumalikod na upang kunin ang gamit niya sa may kusina. Malakas siyang napabuga ng hangin saka tumingala upang hindi tuluyang pumatak ang luha na namuo sa mata niya kanina pa. 

Gusto niyang suntukin ngayon ang sarili ng paulit-ulit dahil sa sobrang tanga niya. Bakit ba kasi siya umasa na makikilala siya ng lalaking 'yun? Halata namang hindi na talaga siya kilala noong pumasok pa lamang siya sa school na 'yun. 

Ang buong akala niya ay tuluyan niya ng nakalimot ang tatlong bugok na 'yun, pero akala niya lang pala iyon. Hindi niya na naitatanggi sa sarili niya ngayon, na hanggang ngayon ay umaasa siya na sana makilala pa rin siya ng tatlo. 

Pero alam niyang hindi na iyon mangyayari pa. At hindi na pwedeng mangyari pa. 

"Hay, nakakaputanginang buhay talaga 'to," bulong niya at agad na pinatay ang ilaw sa kusina. 

"Let's go, hatid na kita," sabi ni Matthew habang naglalakad palabas. 

Hindi niya na nakita pa ang dalawa. Siguro ay napilit na ni Willie na umalis doon si Azriel. Mabuti naman at wala na siyang sakit sa ulo ngayon. 

Hinayaan niya na lamang ihatid siya ni Matthew papunta sa bahay nila Joan. At sa inaasahan ay makikita iyon ng nanay ni Joan pero malakas na tumawa si Zephire ng makita niyang naging dismayado si Matthew habang naglalakad palayo sa bahay ng kaibigan. 

Ang buong akala kasi nito ay papasukin siya ni tita at papakainin siya, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Hindi siya pinapasok ni tita at tinarayan pa siya kaya halos manakit na ang t'yan ng dalaga habang tumatawa sa reaksyon ng kaibigan. 

Inaasahan niya na iyon dahil iyon na ang lagi niyang nakikita sa ugali nito. Talgang hindi nito papasukin ang mga hindi niya lubusang kilala sa bahay niya. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Umayos 'nga kayo! napaka-ingay niyo," malakas na sigaw ng president nila sa classroom. 

Ngayon ay may kaniya-kaniya silang mundo sa loob ng room nila. Ganu'n naman parati pero ang president nila ay hindi napapagod sa pagsaway sakanila. Pero katulad ng nakasanayan ay hindi nila ito pinapansin. 

Ngayon ay naglalaro sila ng jackstone. At syempre hindi naman sasali ang dalaga kung walang pera na involve. Dapat manalo siya ngayon dahil kahapon ay biglang nawala ang swerte niya sa pera. 

Kailangan bumalik ang swerte niya sa pera para may mabili siya pang recess niya. Wala pa naman siyang dala na kahit ano kung hindi sarili at mga gamit lang na kakailangan niya sa pag-aaral. 

Hirap talaga maging poor. 

"Oh talo ka na tanga. Alis ka na dito!" pagtataboy ni Joan sa natalo nilang lalaking classmate. Ngumisi lang na malawak si Zephire habang pinapagtuloy ang paghagis ng maliit na bola at pagkuha ng mga jackstone. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon