C H A P T E R 1 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"What the fuck is this!?" nanggagalaiting sabi ni Azriel habang pinapanood ang nasa phone ni Zephire.
Napa kurap naman ng ilang beses ang dalaga dahil sa nasasaksihan ngayon. Nagtatawanan sina Jaxsen, Willie at Joan habang pinapanood ang video na nasa phone niya, si Azriel naman ay nasa likuran nila at naka kunot ang noong pinapanood iyon.
Pero halata sa mga mata nito ang matinding galit.
Nakagat na lang ni Zephire ang labi niya at mabilis na hinablot ang phone na hawak nila.
"Masyado talaga kayong pakilimero," inis niyang sabi at umirap. Nilagyan niya na iyon ng password.
Hindi niya kasi ugali na maglagay ng password dahil napapagod lang siya doon. Pero ngayon ay kailangan niya na dahil masyado na silang nagiging pakelemera.
"Mukha kang bulati na nabudburan ng asin," natatawang sabi ni Joan saka tumawa ng malakas.
"I never thought you could do that. Never in my dream did I imagine you doing that swaying hips like a disgusting worm," dagdag pa ni Jaxsen dahilan para mas lalong lumakas ang tawa nila.
"Kumembot kahit na nahihirapan," pagkanta pa ni Willie kaya agad iyon sinundan ng dalawa.
Napailing na lang si Zephire at agad bumuntong hininga. Mukhang kailangan niya ngayon mag sorry sa binata.
Muntik pang niyang malunok ng diretsyo ang candy na kinakain ng makitang mariin lang na nakatitig sakaniya ang binata. Mukhang hindi nito narinig o pinansin man lang ang mga pinagsasabi sakaniya ng mga kaibigan.
Agad siyang nag-iwas ng tingin ng maramdaman niyang para siyang unti-unting natutunaw dahil sa paraan ng pagtingin nito sakaniya.
"Umalis ka 'nga d'yan sa upuan ko," pagtataboy niya kay Jaxsen habang nakahawak sa may likod ng kwelyo niya.
Agad naman itong napatayo kaya binitawan niya na ito. Umupo na siya saka inayos ang mga gamit na nagulo dahil kay Jaxsen.
"Edi magkasama kayo kahapon ni Azriel? Bakit kayo magkasama? May something na sainyong dalawa 'no?" chismosang sabi ni Joan habang nakasingkit ang mga mata.
Inirapan naman siya agad ng dalaga. "May nangyari lang na hindi maganda."
"Ano 'yung hindi maganda? Tell us naman oh," pangungulit pa ni Willie saka umupo sa harapan niya. Agad namang tumabi sakaniya si Jaxsen kaya mas lalo siyang napasimangot.
"Sa pagkaka-alam ko hindi naman kayo mga chismoso- Aray ko!"
Muntik nang matumba ang dalaga ng biglang may humila sa braso niya patayo. Nanlalaki niyang matang tinignan si Azriel na ganu'n pa rin ang paraan ng pagtingin sakaniya.
Gago, masama na 'to. Delikado na 'to.
"You need to explain to me something."
Hindi niya na hinintay pa ang pagsagot ng dalaga at agad na siyang hinila paalis doon. Rinig niya pa ang mga asaran ng lahat sakanila kaya hindi niya maiwasang pangilabutan.
Ng makarating na sila paparoonan ay hindi pa rin siya binibitawan ng binata sa braso niya. Hindi naman iyon masakit, sobrang gaan 'nga 'nun eh.
"B-Bakit mo ko dinala dito?" kinakabahan niyang tanong at akmang babawiin na ang braso niya ng biglang bumaba ang kamay nito sa kamay niya.
Muntik na siyang mapadaing ng biglang mapasadahan nito ang sugat niyang mga daliri ng malaki niyang hinlalaki.
"Is still hurt?" he asks in a concerned tone.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Genç KurguZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...