Chapter 44

3 1 0
                                    

C H A P T E R 4 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Sigurado ka na ba talaga doon? Ayaw mo na talagang i pa check 'yan sa doctor?" nag-aalalang tanong ni Willie habang nakatingin sa paa niya. 

Agad siyang tumango at umayos ng upo. "Kaya ko na naman sumayaw pero hindi ako pwedeng magtagal. Bumibigay na kasi siya kaagad." 

"Can you try it?" maingat na tanong ni Azriel kaya agad siyang napatitig dito. 

Kaya niya ba? Hanggang ngayon kasi ay hindi niya sinusubukan man lang mag ballet dance pero nakatago pa rin ang pointe shoes niya. Binili iyon ng nanay niya kaya hindi niya ginagamit iyon dahil natatakot siya na baka masira iyon. 

Malakas siyang bumuntong hininga saka tumango. Tumayo siya at kinuha ang pointe shoes sa may cabinet at umupo na muli sa tabi ni Azriel. 

Dahan-dahan niya itong sinuot at tinignan ang apat na nakatitig lang sakaniya. 

"Para kayong mga tanga d'yan," natatawang sabi niya habang tini-testing ang pointe shoes na suot. 

"You look beautiful in pointe shoes," Jaxsen said, full of amusement.

"Siguradong matatalbugan mo ang ibang mga ballet dancer kapag tumabi ka sakanila," puno ng manghang sabi naman ni Willie habang mahinang pumapalakpak. 

"I imagine you're wearing a ballet tutu dress and dancing on the stage full of confidence," Azriel softly said while staring at her intently.

"Tanginang mukha 'yan, ang ganda," nakangiting sabi ni Joan at pinakita pa ang thumbs up niya.

Hindi niya maiwasang mapangiti ng malawak sa mga naririnig niya. Nakangiting nagbaba siya ng tingin sa paa niya. 

Tumayo na siya at naglakad papunta sa salamin. Agad naman siyang sinundan ng apat at tutok na tutok ang mata sakaniya. 

Humugot siya ng malalim na hangin saka pinosisyon na ang sarili. Hinanda niya muna ang sarili na itaas ng dahan-dahan ang paa niya habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Hindi siya humawak sa kung saan para subukan ang sarili kung ilang minuto siya makaka pwesto ng gano'n. 

Hanggang sa naitaas niya na ang paa niya kapantay ng nakataas ng kamay niya. Kita niya ang pagkamangha sa mga mata ng apat kaya mas lalong tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili. Malalim siyang muli humugot ng hangin at akmang dahan-dahan ibaba ang paa niya ng bigla na lamang siyang nawalan ng balanse. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Azriel at inalalayan siyang maka-ayos ng upo sa sahig. 

Nakalabing tumango siya at agad hinilot ang paa niya. Naramdaman niya na lang kasi na bigla itong kumirot, siguro ay masyado niyang na pwersa. 

"Sabi ko naman sainyo eh, hindi na talaga kaya ng paa ko," nakalabi niyang sabi at mahinang natawa. 

Sa totoo lang ay alam niya na mangyayari talaga iyon pero hindi niya pa rin maiwasang masaktan dahil talagang may parte sa pagkatao niya na nangungulila pagdating sa pagsayaw ng ballet dance. 

Malakas na bumuntong hininga ang mga kasama niya saka ginulo ang buhok niya. Sabay-sabay pa sila kaya para ng kinahid ng manok ang buhok niya sa sobrang gulo. 

"Gusto mong manood ngayon sa ballet competition?" nakangiting tanong ni Jaxsen kaya nanalaki ang mata niya. 

"Saan 'yun?" 

"Basta. Tara na!" nakangiting sabi niya at nauna ng maglakad palabas. 

Sumunod naman sakanila ang dalawa. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon