Chapter 16

14 1 0
                                    

C H A P T E R 1 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Agad nag-angat ng tingin ang dalaga ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. 

"Hindi ako si Zephire. Ako si natoy," seryoso niyang sabi dahilan para sumimangot si Jaxsen at hinagis ang plastic na hawak sa mukha niya. 

Inis niya lang tinignan ang binata saka umayos ng upo. Ng mapansin niyang nanatiling nakatayo ito sa harapan niya ay muli siya nag-angat ng tingin. 

"Ano pang ginagawa mo d'yan?" masungit niyang tanong. 

Mas lalong napataas ang kilay niya nang taasan din siya ng kilay ng binata. 

"You don't care if I want to stay here." 

"Edi I don't care," masungit niyang sabi at yumuko na lang ulit. 

Hindi niya na lang pinansin ng binata sa harapan niya at nagpatuloy sa pag dra-drama. 

Sa totoo lang noong narinig niyang sinisi siya ng tatay niya about sa pagkamatay ng nanay niya ay hindi niya maiwasang malungkot at magsisi. Alam niya naman na isa siya sa dahilan kung bakit nawala ang nanay niya, pero bakit kailangan ibuntong sakaniya lahat ng sisi? 

Hindi ba kasalanan din ng tatay niya kung bakit nawala ang nanay niya dahil wala siya sa tabi nito noong naghihirap na ang nanay niya?

Bakit kailangan sakaniya na lang lahat ng sisi? Paulit-ulit namang sinasabi ni Joan sakaniya na wala siyang kasalanan sa nangyari, pero hindi niya maiwasan ang sarili. 

Tapos dumagdag pa ang aso niya. 

"Oh, gabi na bakit nandito ka pa?" 

Nanlaki ang mata niya ng marinig pa ang isang pamilyar na boses. Mabilis siyang nag-angat ng tingin. 

"Eh bakit kayo nandito?" taas-kilay niyang tanong ng makita ang tatlo sa harapan niya. 

May kung anong naramdaman siya sakaniyang dibdib na pag-asa. Pag-asa na maibalik ang dati nilang pagsasamahan ng walang humahandlang at asungot. Pero alam niyang hindi na iyon pwedeng mangyari pa. 

Ayaw niya nang magulo ulit ang tahimik niyang buhay, at mas lalong ayaw na niyang may madadag sa mga problema niya. 

"We just bought something so, we're here," simpleng sagot ni Azriel habang nakapamulsa. 

"Share mo lang?" natatawang niyang sabi dahilan para kumunot ang noo nito. 

"What the fuck?" 

Napailing na lang siya at sinuot na ang bag niya saka tumayo. Pinagpag niya pa ang palda niya bago nag-angat ng tingin sa tatlo. 

"D'yan na kayo." 

Akmang lalakad na siya ng bigla siyang marahang hinawakan ni Jaxsen sa braso. 

"We will accom-" 

"No need, kaya ko sarili ko. I have two legs," nakangiwi niyang sabi at inalis ang kamay niya. 

Akmang magsasalita pa si Willie ng iharang nang dalaga ang palad niya sa harapan nito upang pigilan siya. 

"Hep-hep. Wag na kayong magreklamo. Buong buhay ko mag-isa lang akong umuuwi kaya sanay na ko. Ituloy niyo na lang 'yung pagbobonding niyo," nakangiti niyang sabi at agad silang tinalikuran at naglakad na. 

"Pero sana kasama ako doon," mahinang bulong dalaga at tumingin sa buwan na sinusundan siya. 

Kung dati ay takot siyang umuwi ng mag-isa noong panahon na naging mag-isa na siya, pero ngayon ay ibang-iba na. Gusto niya lagi siyang mag-isa kapag umuuwi dahil 'yun na lang ang mga oras na nakakasama at nakakamusta niya ang kaniyang sarii. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon