Chapter 34

5 1 0
                                    

C H A P T E R 3 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Bakit kasi hindi na lang ako naging hotdog!?" naiiyak na sigaw niya at dinukdok muli ang mukha sa desk. 

Malakas siyang humagulgol ng peke kaya hinagod ni Joan ang likod niya. Alam naman ng kaibigan niya na pekeng iyak 'yun dahil hindi niya naman narinig si Zephire na humagulgol ng malakas. 

Never niyang nakita iyon. 

"Mag search na lang ako mamaya kung paano maging hotdog sa freezer para sabay tayo doon," pakikiramay sakaniya ng kaibigan kaya tinapik nito ang kamay niya. 

"Salamat. Kaibigan 'nga talaga kita," naiiyak niyang sabi at humagulgol muli ng peke. 

Naramdaman niya na marami ng classmates niya na nagdadatingan at halos lahat sila ay tinatanong kung bakit ito umiiyak. Gusto niya na lang tumawa dahil naniwala silang lahat na umiiyak talaga sila. 

"Bakit kasi hindi na lang ako maging hotdog?" naiiyak na sigaw niya at nilakasan pa ang paghagulgol kaya mas lalong pinagigihan pa ni Joan ang pag hagod sa likuran niya.

"Oh, bakit 'yan umiiyak?" takang-tanong ni Willie. 

"What happened to you, Zep?" Jaxsen asks while rubbing her back.

"What's wrong?" Azriel asks while caressing her arms. 

May kung anong humamplos sa puso ng dalaga dahil sa mga tono ng boses nila. Sa totoo lang ay para siyang binabalik sa nakaraan noong marinig niya ang mga iyon. 

Gano'n na gano'n ang tatlo noong bata pa lamang sila. Mga tigre kapag nag-aaway at nag-aasaran sila pero kapag umiiyak siya ay para silang mga pusa. 

Malakas siyang bumuga ng hangin at nag-angat ng tingin. Tinignan niya ang apat na nag-aalala ng nakatingin sakaniya ng makitang basa ang pisngi niya. 

"N-Namatay k-kasi s-si..." Hindi niya na naituloy ang pagsasalita niya dahil humagulgol na naman siya ng malakas. 

"Gago, sinong namatay?" nag-aalalang tanong ni Joan. 

Agad siyang napayuko at ma dramang hinawakan ang dibdib niya. Kaya talaga siya yumuko upang hindi nila makita ang pagsupil ng ngiti niya. 

Todo ang pigil nito ng tawa dahil baka mabisto siya kaagad ng mga ito. 

"S-Si R-Ronald," naiiyak niyang sabi at humagulgol ng malakas. 

Muntik pa siyang malaglag sa kinauupuan niya ng sabay-sabay nilang nilang niyakap ang dalaga. Si Joan ay nakayakap sa bewang niya kaya nakasubsob ito sa t'yan niya. Si Willie at Jaxsen naman ay nakayakap sa braso niya at si Azriel ay nakayakap sa likuran niya. 

"Nakikiramay kami," sabay-sabay nilang sabi kaya napangiwi si Zephire. 

Malakas siyang bumuntong hininga at tinapik ang kaniya-kaniya nilang mga braso. 

"Salamat sa pakikiramay niyo sa namatay kong ipis," naiiyak na sabi niya kaya sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sakaniya. 

"Nabingi na ba ako? 'Yung Ronald na tinutukoy mo is ipis!?" hindi makapaniwalang tanong ni Joan kaya tumango siya. 

"Ano ba akala niyo?" natatawang tanong niya kaya sabay-saby nilang binatukan sa ulo si Zephire. 

"Punyeta ang sakit 'nun ah! Nag sabay-sabay pa kayo ng pagbatok sa'akin," nakanguso niyang sabi habang hinihimas ang ulo niya. 

Matalim siyang inirapan ni Azriel at tumayo na. "You deserve that." 

"Manloloko ka," inis na sabi ni Willie at bumalik sa upuan niya. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon