C H A P T E R 3 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━As usual, magkakasama na naman silang lima. Sabado ngayon at ngayon ay nasa time zone sila. Nag-aya kasi si Willie at syempre dahil libre, sumama silang dalawa.
"Kapag nabili ko 'yung teddy bear na 'yun-" Tinuro ni Joan ang malaking teddy bear na nagkakahalaga ng 2k na tickets. "-May dare ka sa'akin."
Agad namang sinabayan iyon ni WIllie.
"Sige ba! Basta kapag 'yun nabili ko-" Tinuro nito ang malaking kotse na pang bata na nagkakahalaga ng 3k na tickets. "-May dare ka rin sa'akin."
"Sige ba!" nakangising sabi ni Joan.
Naningkit ng mata si Zephire at agad nginisian si Azriel na seryosong nakatingin lang kung saan. Naglakad siya papunta dito at agad siniko.
"What?" takang-tanong nito.
"Kapag naka 5k tickets ako ngayon may gagawin kang malalang dare galing sa'akin," nakangisi niyang sabi kaya agad itong napa-ayos ng tayo.
Tinitigan pa siya nito sa mata na para bang nagtatanong kung seryoso siya sa sinasabi nito. Tinaasan niya ito ng kilay at tinaas ang hinliliit niya.
"Anong deal mo?" nakangisi niyang tanong.
Mahinang natawa si Jaxsen at binunggo ang balikat ni Azriel. "Talo ka na d'yan agad. 'yang si Zephire pa? Hindi nagpapatalo 'yan."
"Oo 'nga! Good luck sa'yo, Azriel. Malala pa naman 'yan mag dare jusko," natatawang sabi ni Joan at kinindatan si Zephire.
Agad niya ito kinindatan pabalik kaya sabay silang natawa ng malakas. Nakita niya pa sa gilid ng mata niya na nagtitinginan ang ibang mga babae sakanila. Mukhang kinikilig pa sila dahil may nakita silang tatlong mga poging nilalang.
"Kailangan na ba natin ng kabaong para sa pare nating si Azriel?" natatawang tanong ni Willie kaya agad nakipag fist bump si Jaxsen sakaniya.
"Ako na maghuhukay ng 10 feet na lupa para tipid sa pera," pag presinta pa ni Jaxsen.
Agad naman silang tinapunan ng masamang tingin ni Azriel kaya sabay silang napataas ng kamay na animo'y sumusuko.
"Shut up," inis na sabi nito kaya mahinang natawa si Zephire.
"Bakit ka nagagalit?" natatawang tanong niya kaya pati siya at natapunan nito ng masamang tingin.
Kinindatan niya lang ang binata kaya mas lalo itong napasimangot.
"If I will earn 6k tickets, you have to do whatever I want. You're not allowed to say no to me," nakangising sabi niya at kinuha ang hinliliit niya.
Malawak na napangisi ang dalaga at nag flip hair. "Sige ba. Good luck na lang sa'yo."
"Paano naman ako!?" nakasimangot na tanong ni Jaxsen. "Lagi niyo na lang ba ako gagawing third wheel?"
Sabay nilang tinapik ni Joan sa balikat si Jaxsen.
"Bawi ka na lang daw next life," natatawang sabi ni Joan.
"Hanap ka na lang ng magandang chicks, marami naman sa paligid kuha ka na lang," nakalabing sabi naman ni Zephire at tinalikuran na sila.
Nag pa load muna si Willie ng card bago sila tuluyang mag larong lahat. Kaniya-kaniya na sila ngayon.
Ang tatlong itlog ay nagtutulungan upang manalo sa dalawang magkaibigan. Gano'n din naman ang ginawa ng dalawa, sila ngayon ang nagtutulungan.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Novela JuvenilZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...