Chapter 21

14 1 0
                                    

C H A P T E R 2 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Natagpuan na lang ni Zephire ang sarili na nakatitig lang sa nagwawalang matandang manyakis sa loob ng rehas. Hindi niya namalayan kanina habang magkayakap sila ni Azriel ay napatunayan na pala na wala siyang sala dahil sa dinala ni Azriel na cctv na nanggaling sa resto. 

Ang buong akala niya ay sira iyon pero hindi naman pala. 

"Hindi malandi ang asawa ko! Hinding-hindi niya ko ipapagpalit sa isang malanding batang katulad niya! Dapat siya ang makulong hindi ang asawa ko!" galit na sigaw ng asawa nitong tanga kaya napa-irap na lang ang dalaga. 

"Misis, siguro naman ho hindi kayo bulag para hindi mapanood 'yung cctv footage na pinanood namin sainyo, hindi po ba? Kitang-kita po doon na 'yang asawa niyo po talaga ang unang lumapit at minolestya ang dalagang ito," mahinahon na paliwanag ng tito ni Azriel na cheif pulis.

Ilang beses kumurap ang mata nito at inis siyang tinignan. Hindi siya nag-iwas ng tingin at nilabanan ang titig ng matanda. 

Mukhang duda pa ito na talagang may asawa niya ang totoong may sala at siya ang biktima. Marahas itong umiling at hinawakan ang kamay ng asawa niya na nasa loob. 

"H-Hindi! Siya ang ikulong niyo-" 

"Mamatay sana kayong sabay," inis niyang putol sa pagsasalita ng matanda kaya nanlaki ang mata nito. 

Nakita niya pa ang pag-awang ng labi ng tito ni Azriel at ibang mga pulis, habang si Azriel naman ay mahinang natawa sa likod niya. 

Alam niyang parehas sila ng iniisp ngayon kaya nabuhayan siya lalo ng loob na sabihin lahat ng gusto niyang sabihin sa dalawang malapit ng mamatay. 

"Aba napaka walang galang mong babae ka. Talagang hindi ka maayos na napalaki ng mga magulan-" 

"Baka kayo ang hindi napalaki ng maayos. 'Yang asawa mong manyakis, ang tanda-tanda na 'nga lumalandi pa at ikaw naman sobrang tanga, may ebidensya na 'nga nag bubulag-bulagan ka pa. Ang tanda-tanda niyo na bobo pa rin kayo? Ngayon, sabihin mo sa'akin kung sino talaga ang hindi maayos napalaki ng magulang!?" 

Ilang minuto natahimik ang pagitan nila. Kitang-kita ng dalaga ang pag-usbong ng matinding galit sa dalawang matanda na para bang natamaan talaga sa sinabi niya. 

Ibig-sabihin ay totoo 'nga ang sinabi niya.

"At sino ka para sabihan kami ng ganu'n!" galit na sigaw nito. 

At natagpuan niya na lang na nanggagalaiti na ito sa galit habang patuloy ang pagpupumiglas sa mga pulis upang masabunutan niya si Zephire. May kung ano-ano pa ang sinasabi nito tungkol sakaniya pero hindi niya na iyon inintindi pa. 

"Sige na iha at Azriel, pwede na kayong umalis," nakangiting sabi ng cheif pulis kaya agad niya itong nginitian pabalik at nag bow katulad ng nakikita niya sa mga korean nobela. 

"Maraming salamat po at kayo ang nag-asikaso sa case ko." 

Tinapik nito ang balikat niya saka ginulo ng marahan ang buhok niya. "Walang anuman iha. Wag ka ng mag-alala pa, sisiguraduhin ko na matatanggal 'yung pulis na humawak kanina ng case niyo at sisiguraduhin ko na mamatay ang matandang 'yan sa kulungan." 

Napangisi ang dalaga sa isipan niya. Tama lang na mawalan ng trabaho ang pulis na humawak sa case nila kanina, halatang-halata naman kasi na hindi niya inalam ng maigi ang sitwasyon. Agad siyang naniwala sa mga story telling ng matanda. 

Pero agad kumunot ang noo ng dalaga dahil sa sinabi nito. "What do you mean po?"

"You are not the only teenager he has molested," makahulugan niyang sabi kaya mahinang napasinghap. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon