C H A P T E R 1 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Sa loob ng isang linggo ay lagi na silang magkasamang lima dahil na rin sa daming pinapagawa ng mga teacher. At isa pa hindi alam ni Zephire kung bakit lahat ng teacher nila ay iisang groupo lang ang ginawa. Kung ano ang groupo ng isang subject ay ganu'n na rin sa halos lahat ng subject nila.
"Bwisit naman kasi eh!" inis na bulong ni Joan habang sinasagutan ang quiz.
Nanatiling tahimik ang tatlo at halata sa mukha nila na sobra silang nadadalian sa quiz na pinapasagutan.
Sana lahat!
Halos mawalan nang utak si Zephire dahil hindi siya nakapagreview mas lalo na sa math. Ang malala pa roon ay kailangan pa ipakita kung paano i solve.
Inis niyang hinagis ang ballpen palabasa sa bintana at marahas na ginulo ang sariling buhok.
"Hoy gaga bakit mo hinagis 'yung ballpen mo!?" gulat na tanong ni Joan.
Binagsak niya na lamang ang ulo niya sa lamesa, dahilan para mag sanhi iyon ng malakas na tunog. Wala naman ang teaher nila kaya pwede sila mag-ingay, ang bawal 'nga lang ay mag kopyahan.
Ang president nila ang magbabantay sakanila kaya kahit gusto nilang lahat mag kopyahan. Baka mas lalo silang bumagsak kapag pinilit pa nila.
"Ano kaya mo pa?" pangangasar ni Willie kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Mukha bang kaya ko pa?" sarkastiko niyang tanong dahilan para tawanan siya ni Willie.
Sa nag daan na isang linggo ay masyadong pa close si Willie sakanilang magkaibigan. Hindi naman nila alam kung bakit pero hindi nila pinapansin si Willie. Sigurado silang may masamang balak ito kaya nag-iingat lang sila.
"May sagot ka na ba sa number 1?" naluluhang tanong ni Joan sakaniya kaya naluluha siyang umiling.
"Suko na ko sa putanginang math na 'yan." At yumuko na siya saka pumikit.
May trabaho pa siya mamaya pero ngayon pa lang ang pagod na pagod na siya. Paano pa kaya mamaya?
Malapit na rin mag pasko kaya sigurado siyang marami silang magiging costumer sa resto. Gusto man niyang hindi pumasok ay hindi pwede dahil kailangan niya pang mag ipon ng pera. Kulang na kulang pa ngayon ang nalilikom niya na pera.
Akmang pipikit na siya ng maramdaman niyang may mainit na palad na pumatong sa likod niya. Agad naman siyang nag-angat ng tingin.
"Bakit ka nandito?" bulong niya kay Gabriel.
Imbis na sagutin siya nito ay may itinuro nito gamit ang nguso sa may ibaba kaya agad niyang sinundan iyon ng tingin. Mabilis pa sa alas-kwatrong kuminang ang mga mata niya ng makita ang papel nito sa math.
Kinuha niya iyon ng palihim at nilahad ang palad niya.
"Ballpen," bulong niya.
Agad naman nito binigay ang ballpen niya kaya malawak na napangiti si Zephire. "Salamat."
Napakurap siya ng ilang beses ng bigla nitong ginulo ang buhok niya at mabilis na tinalikuran siya. Hindi niya alam kung siya lang ba pero mukhang naging mabait at hindi na manyak sakaniya si Gabriel.
Sana lahat, bagong buhay.
Akmang kokopyahin niya na sana nag sagot na binigay sakaniya ng biglang humamblot 'nun sakaniya.
"What the heck are you doing?" inis niyang tanong kay Azriel na ngayon ay nasa tabi niya na.
Ngayon niya lamang napagtanto na nagpalit sila ni Joan ng pwesto.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Teen FictionZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...