C H A P T E R 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Hindi na natuloy ang pag-aaway nila ng biglang dumating ang teacher nila. Syempre wala naman silang magagawa dahil kailangan din nila mag-aral. Malapit na rin silang mag graduate kaya kailangan na talaga nila seryosohin ang pag-aaral nila.
Kahit naman mga isip-bata sila at wala modo may pangarap pa rin sila sa buhay.
Dahil malaki naman ang room nila kaya pwede pa sila magdagdag ng upuan. At pagka malas-malas 'nga naman ng dalaga dahil ngayon ay nasa likuran niya ang tatlo.
Kahit na ramdam na ramdam niya ang mga nakakatakot na aura nila ay pinilit ng dalaga na huwag silang lingunin ang pagtuonan ng pansin. Minsan 'nga ay gusto niya na lang suntukin ang sarili dahil biglang may kalokohan na pumapasok sa isip niya.
Pinangako niya na sa sarili niya na kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya papansinin, kakausapin, at lalapitan ang mga ito upang hindi na rin nila siya makilala.
"Gusto kong umayos ng upo," mahinang bulong ni Joan sakaniya kaya agad niya itong nilingon.
"Edi umayos ka."
"Eh feeling ko kapag gumalaw ako papaputukan ako ng baril ng tatlo eh," natatakot niyang sabi dahilan para mapa-ikot ang eyeballs ng dalaga.
Sa totoo lang kanina pa rin siya hindi makagalaw ng maayos dahil feeling niya kapag gumalaw siya ay makakagawa na siya ng pagkakasala na sobrang laki.
Malakas na bumuntong hininga ang dalaga saka lakas loob na umayos ng upo. Hinhintay niya na may mananakit sa katawan niya ngunit wala kaya nakahinga siya ng maluwag. Ng makita niyang hindi pa nakakagalaw si Joan sa pwesto niya ay agad niyang sinipa nang malakas ang upuan nito.
Hindi inaasahan ni Zephire na masyado siyang napalakas ng sipa kaya agad na napahiga si Joan sa lapag kasama ang upuan niya. Lahat naman ng mata ay napunta sakanila.
"Aray ko!" sigaw niya kaya agad na tumawa si Zephire at inalalayan itong tumayo habang mahinang tumatawa.
"What are you two doing? Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na huwag kayong gumawa ng kalokohan sa oras ng kl-"
"Ma'am, ilang years niyo na po sinasabi 'yan. Hindi na naman kami gumagawa ng kalokohan sa oras ng klase niyo. Na aksidente ko lang pong nasipa upuan ni Joan," simpleng sabi niya habang kagat ang labi upang hindi lumabas ang tawa niya.
Si Joan naman ay nanatiling nakangiwi habang minamasahe ang bewang. Pagkatapos niyang alalayan ang kaibigan ay agad na siyang umupo muli sa upuan niya.
Masungit pa rin na nakatitig sakaniya ang teacher kaya malawak na ngumiti ito sakaniya, kahit na gusto niya nang tusukin ang mata nito upang hindi na siya titigan pa.
Pinagkrus niito ang mga braso dahilan para mapataas ng kilay ang dalaga. Shit, mukhang hahaba na naman ang sermon nito.
"Wag ako, Zephire. Alam kong hindi mo aksidenteng nasipa ang upuan ni Joan. Naghaharutan lang talaga kayo-"
"Kaya ko 'nga po sinipa ang upuan niya kasi 'nga po hindi siya makagalaw sa upuan niya. Para makagalaw siya edi sinipa ko upuan niya," inis niyang paliwanag at pinag krus din ang mga braso niya.
Pilit niyang binababa ang kilay niya upang hindi na siya maisakandalo at mas lalong humaba pa ang pagsermon sakaniya.
"I don't t-"
"Can you just stop scolding her and just fucking continue your discussion," malamig na putol ni Azriel sa pagsasalita sa teacher nila kaya agad napatulala sakaniya ang teacher na nasa harapan.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Teen FictionZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...