C H A P T E R 1 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Hanggang ngayon ay kahit na ilang beses ng inalis ni Zephire ang tungkol sa sinabi nii Matthew tungo sa aso niya ay hindi pa rin naalis. Halos gusto niya na lang mag mukmok ng buong araw, idagdag mo pa ang pagod dahil wala siyang tulog.
"Jaxsen!" malakas na sigaw ng pamilyar na boses na nanggaling sa labas ng room nila.
Agad ng mata ay napunta sa kakapasok na si Joan na humahangos na ngayon sa galit. Sobrang talim ng tingin ni kay Jaxsen kaya kumunot ang noo ni Zephire.
"Bakit ganyan mukha mo?" sigaw ni Zephire at humigop ng kape.
Imbis na sagutin siya ni Joan ay nag diretsyo-diretsyo lang sa papunta sa likuran niya. Narinig niya pa ang malakas na pagtumba ng bangko ngunit hindi niya na iyon pinansin pa.
May gera na namang magaganap pero wala naman siyang paki doon.
"Tangina ka. Sabi mo tama 'yun mga sagot ko sa math! Tapos mali pala!" galit na sigaw ni Joan.
Sinundan naman ng tingin ni Zephire ang naghahabulan na si Jaxsen at Joan. Mukhang takot na takot na si Jaxsen at si Joan ay sobrang galit na animo'y kapag nahawakan niya si Jaxsen ay kakain niya ito ng buhay.
Agad siyang humarap kay Azriel. "Kailangan ko na bang mag handa ng kabaong?"
Tumango naman si Azriel saka pinag krus ang mga braso. "Yes."
"Sige ako bibili basta sainyong dalawa ni Willie 'yung pambili."
"Bakit sa'amin!?" gulat na tanong ni Willie habang nakangiwi.
Inirapan naman siya ni Zephire. "Malamang kaibigan niyo si Jaxsen."
Akmang magsasalita pa sana si Willie ng biglang may humablot sa buhok niya. Malakas itong napadaing at agad hinawakan ang pulsuhan ni Joan. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa buhok niya ngunit masyado ng galit si Joan.
"Mukhang dalwang kabaong na bibilihin ko," natatawang sabi ni Zephire habang umiinom ng kape.
Agad namang ngumiwi si Azriel. "So much pain in my ass."
Mahinang natawa si Zephire at saglit siyang tinapunan ng tingin. "Sana lahat may ass."
Hindi niya na nakita pa ang reaction ng binata dahil sa sinabi niya dahil muntik na siyang matusok ng paa ng upuan ng bigla iyon lumipad papunta sakaniya.
Hindi siya tumayo pero si Azriel ay biglang napatayo, kaya agad niyang tinignan ito.
"May lumipad din bang upuan sa'yo?" natatawang tanong niya.
Ngunit agad din siyang natigil sa pagtawa ng hilahin siya ng binata sa braso at agad siyang tinayo. Napangiwi siya ng biglang humapdi ang braso niya dahil sa pagmamadali niya na maitayo ang dalaga.
"You almost died because of the chair, and you're just chilling there while sipping your coffee as nothing happened!?"
Pinandilatan niya ito ng mata at mahinang siniko ang matigas niyang t'yan, Dahilan para mapabitaw na siya sa dalaga.
"Hindi ko naman ikakamatay 'yang upuan na 'yan kung biglang tumama talaga 'yan sa tuhod k-"
"What if the foot of the chair suddenly got stuck in your knee? It will bleed, and your knee will definitely form a..."
Kumunot ang noo niya ng biglang hindi nito matuloy ang pagsasalita. Agad niya itong tinaasan ng kilay ngunit agad din nag-iwas ng tingin ang binata sakaniya.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Teen FictionZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...