C H A P T E R 3 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Kung hindi lang siya kaagad nahawakan ni Azriel sa braso ay baka tuluyan na siyang nadulas, at siguradong mauuna pa ang mukha niyang masubsob sa lapag.
"Sino ba kasi naglagay ng putanginang 'to?" inis na bulong niya at pinulot ang dalawang saging na muntik na niyang maapakan.
"Eh?" tanong niya ng biglang inagaw ni Azriel ang saging na itatapon niya na sana.
"Ako na magtatapon," sabi niya at parang batang tumakbo papunta sa basurahan.
Mahinang natawa ang dalaga at agad nilabas ang phone upang videohan si Azriel na para parin batang tumakbo papunta sakaniya. Kusa na lang gumalaw ang kamay niya na inilahad sakaniya.
"Got you," he softly said as he took her hand.
Napangiti na lang ng malawak ang dalaga at pinatay na ang video. Ng maalala niyang hindi pa pala niya nalagyan ng alcohol ang kamay niya ay mabilis niyang kinuha iyon sakaniya.
Kita niya pa ang pag protesta nito kaya mahina siyang natawa. "Sandali lang. Mag alcohol lang ako."
Pagkatapos ay binigyan niya na rin ng alcohol si Azriel. Ang buong akala niya ay hindi na siya hahawakan pa sa kamay ng binata ngunit, masuyo pa rin nitong kinuha ang kamay niya. Pinagsiklop niya ito ng dahan-dahan habang naglalakad sila paakyat sa room nila.
Agad napayuko ang dalaga upang hindi makita ng iba ang namumula niyang pisngi. Partida, nanliligaw pa lang siya gan'yan na siya kumilos, paano pa kaya kung sila na?
Mas pinili na lamang nilang dalawa na kumain sa loob ng room kaysa sa labas. Masyado kasing maingay at sila lang naman ang tao sa room kaya siguradong magiging payapa sila doon.
"Kumain ka muna," sabi niya ng makitang hindi pa nito ginagalaw ang pagkain niya.
"Mamaya sandali, tapusin ko muna 'tong activity mo para matapos na agad," sabi niya ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang binata.
Bumuntong hininga ito at umupo sa harapan niya. Kinuha nito ang pagkain niya at kumuha doon. Ang buong akala niya ay kukuha siya pagkain niya pero itinapat iyon niya iyon sa bibig niya.
"Susubuan kita," malumanay na sabi niya.
Tumango na lang siya at kinain na ang nasa kutsara. Habang nagsasagot siya ay panay subo sakaniya ni Azriel kaya hindi na siya nahirapan pa.
"Wohoo! Nilalanggam ako!" tili ni Joan habang nakangiti sakanilang dalawa.
"Magkapantal ka sana," inis na sabi ni Zephire at tumayo na upang ipasa na ang activity nilang dalawa ni Azriel sa president nila.
"Malapit na pala tayong mag moving up, kinakabahan na ako," nakangusong sabi ni Jaxsen kaya kumunot ang noo niya.
"Bakit ka naman kinakabahan?"
Bumuntong hininga ito. "Siguro dahil hindi pa kong handa maging matanda?"
"Maging matanda agad? Bakit may rayuma ka na ba?" natatawang pang-aasar ni Willie kaya agad siyang binato nito ng papel.
"Gago! Hindi 'yun tinutukoy ko!"
"Tinutukoy niya kasi is hindi pa siya handang maging senior high, tama ako?" tanong ni Joan.
Tumango si Jaxsen. "Oo."
"Ano bang strand kukunin niyo?" tanong ni Zephire at kinuha ang inumin niya sa desk ni Azriel.
Agad siyang tumingin dito ng bigla na naman niyang pinagsiklop ang kamay nil. Puta! Kukunin niya lang naman 'yung iinumin niya!
"Gusto ko kasi maging butiki na lang sa kisame- Tanginang 'yan! Naglalandian na naman kayo sa harapan namin!" nandidiring sigaw ni Willie kaya napangiwi siya.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Teen FictionZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...