Chapter 2

20 2 0
                                    

C H A P T E R 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'akin na parang aso," inis na tanong ni Zephire ng mapansin kanina pa siya sinusundan ng kaibigan mula sa likuran niya. 

Malakas itong bumuntong hininga saka pinag krus ang mga braso at nakangusong tinignan ang dalaga. Agad ngumiwi ng malaki si Zephire dahil mukhang tanga na naman ang kaibigan niya. 

"Talagang papayag ka maging katulong namin para lang makitira dito?" nag-aalangan na tanong nito kaya agad matalim na umirap ang dalaga sakaniya. 

"Jusko naman Joan, alam kong alam mo na talagang hahamakin ko lahat ng trabaho para lang magkapera ako. At isa pa alam kong alam mo na rin kung bakit mas pipiliin kong maging katulong niyo kaysa maging kaibigan mo lang na nakikitira sa bahay niyo at pa petiks-petiks lang d'yan sa tabi." 

Taas-kilay niyang hinagis ang tinuping damit sa may cabinet ng kaibigan at hinarap na ito. Mas lalong tumaas ang kilay nito ng mapansin mas lalo itong naging aligaga. Tama 'nga ang hinala niya. 

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Para kang tanga d'yan eh," nakangiwing sabi niya at akmang tatalikod na nang marinig ang sinabi nito. 

"I just wanna ask kung bakit hindi ka pa umiiyak simula noong b-binurol si t-tita?" kagat-labi nitong tanong dahilan para matulala sakaniya ang dalaga. 

Ngayon na lang ulit pumasok sa alaala niya na hindi man lang siya umiyak noong iburol at ilibing na ang nanay niya. Partida pinag chismisan pa siya noon dahil daw mukha siyang naging masaya sa pagkawala ng nanay niya. Hindi niya na lang pinatulan iyon dahil ayaw niyang magsayang ng oras sa walang kwentang tao. 

Pero sa totoo lang hindi niya rin alam sa sarili niya kung bakit hindi siya umiyak 'nun. Siguro ay hindi pa rin talaga nag si-sink in sa utak niya ang nangyari at ayaw pa niyang tanggapin sa sarili niya na wala na talaga ang nanay niya. Kahit naman hanggang ngayon ay pilit niyang winawaglit sa isip niya na nawala nang tuluyan ang nanay niya. 

Malakas na bumuntong hininga si Zephire at agad nag kibit-balikat at malawak na ngumiti dito. "Hindi ko alam." 

Hindi niya na nakita pa ang sunod na naging reaksyon nito dahil agad niya na itong tinalikuran at pinagpatuloy na lamang ang pag-aayos ng mga damit. Narinig niya pa ang malakas na pag buntong hininga nito pero hindi niya na ito pinansin pa. 

Napatigil siya muli sa pag-aayos ng damit niya ng maramdaman niyang niyakap siya nito mula sa likod. 

"Remember that you can cry on my shoulder all you want. Kahit pa mabasa mo buong damit ko sa luha mo wala akong care. Basta kapag handa ka nang umiyak just cry. Asahan mo lang na may lalabas akong picture mo sa instagram na umiiyak," malambing niyang sabi. 

May kung anong humamplos naman sa dibdib ng marinig iyon. At least may taong nand'yan na handang ibigay ang balikat niya para umiyak. Pero hindi niya na naman kailangan 'nun dahil sapat na ang unan at tuhod niya para ilabas lahat ng sama niya ng loob sa mundong ibabaw. 

Malakas siyang bumuntong hininga at tinapik lang ang ulo nitong nakasandal sa balikat niya. "Oo na po, tatandaan ko po 'yan." 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Hindi na ba papasok si Celeste?" tanong ng kaibigan niya na lalaki kaya matalim siyang napa-irap dito. 

"Bakit parang may gusto ka yata kay Celes?" taas-kilay niyang tanong at sinandal ang katawan sa may pader. 

Ngumiwi naman ito at niyakap ang sarili. "Hinahanap lang 'yung tao tapos paghihinalaan mo na kong may gusto sakaniya?" 

"Masyado kang defensive. Sagutin mo na lang tanong ko." 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon