Chapter 28

3 1 0
                                    

C H A P T E R 2 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Huwag mong sabihing magpapanggap akong girlfriend mo para lang matigil 'yang pangungulit sa'yo ni Erina!?"  hindi makapaniwalang sabi ni Zephire dahilan para titigan siya ni Azriel. 

Ilang minutong napuno ng katahimikan ang pagitan nila. Tanging pagaspas lang ng puno ang ingay na namumutawi sa pagitan nila. 

Napakurap ng ilang beses ang dalaga ng bigla ito tumawa ng malakas na akala mo wala ng bukas. 

"Mukha ba kong clown para pagtawanan mo!?" inis na sabi niya kaya malakas na bumuntong hininga si Azriel. 

Pinilit muna nito na mapakalma ang sarili bago humarap kay Zephire na naka-taas ang kilay habang naka krus ang mga braso. 

"Thank you for making me laugh-" 

"I didn't intend to make you laugh, idiot."

Tumawa siya ng mahina kaya agad napa-irap ang dalaga at inipitan ang buhok niya na nakalugay. Malakas kasi ang hangin kaya nakakain niya na nag sariling buhok. 

"All right, I'll leave if you don't have anything more to say. I might be late for my work," she said and was about to turn her back on Azriel but, he gently pulled Zephire's arm.

"I will pay for you today, just don't leave me," he seriously said. His eyes are now full of emotions while staring at the dark brown eyes of Zephire.

Malakas na napa buntong hininga ang dalaga saka tumango. Baka mas malaki ang bayad sakaniya ni Azriel kaysa sa kikitain niya sa resto ngayon. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Ngayon ay nanonood lang sila ng pag lubog ng araw. Kulay lila na ang buong paligid dahil na rin pa gabi na. Yakap-yakap niya rin ang sarili dahil kanina pa tumatama ang malamig na simoy na hangin sa balikat niya. 

"Here, wear it." 

Agad siyang napalingon sa katabi. Napangiti siya ng malawak ng makitang may hawak itong puting hoodie kaya agad niya itong kinuha ang sinuot. 

"Why did you think I would make you a fake girlfriend just to get rid of Erina?"

Napa-ayos siya ng tayo at lumingon muli sakaniya. Bakit kaya pumasok bigla iyon sa utak ni Azriel?

"Gano'n kasi 'yung mga nababasa ko sa nobela. 'Yung mga male lead is binabayaran nila 'yung mga babae para maging fake girlfriend nila. Marami silang reason pero ayoko na isa-isahin pa. Basta isa sa mga rason nila ay para mapaalis sa buhay nila 'yung mga ex or taong baliw na baliw sakanila."

Agad siyang nag-iwas ng tingin ng makitang tumingin na ito sakaniya. Mariin siyang napakagat sa pang-ibabang labi niya ng maramdamang kumabog na naman ng malakas ang dibdib niya. 

Hanggang kailan niya kaya makakayanan na itago ang nararamdaman niya?

"Hinding-hindi kita gagawing fake girlfriend, Zephire. You have something special to me that I can't express well," diretsyong sabi niya. 

Mas lalo pang kumabog ng malakas ang dibdib ng dalaga dahil sa pagiging prangka ng binata sakaniya. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan 'yun dahil inaasahan niya na magiging tago rin ang binata sa nararamdaman niya. 

Malakas na bumuntong hininga ang dalaga ng maalalang baka naalala siya ng puso niya bilang matalik na kaibigan dati. Hindi 'yung iniisip niya ngayon. 

"Makakaalala ka rin-" Lumingon siya kay Azriel. "-Hindi ko lang kung kailan babalik 'yang memorya mo." 

His forehead furrowed. "What do you mean?"

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon