Chapter 30

3 1 0
                                    

C H A P T E R 3 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

At buong araw ay nagtataka sakanila ang tatlong itlog sa kinikilos niJoan. Paano ba naman eh lagi na lang siyang naiiyak kapag nakikita niyang naka bandage ulo ni Zephire. 

Mabuti na lang at marupok ang kaibigan niya pagdating sakaniya kapag may ganito silang away. Madali naman silang magakapatawaran pero kapag ibang tao na ang pag-uusapan, mahirap nilang patawarin ang mga iyon. 

Hanggang mamatay sila ay hindi nila papatawarin ang mga taong may kasalanan sakanila. 

"How to do it?" Azriel asks while holding a paper.

May groupings na naman na naganap at naka bilog sila na pwesto ngayon. Ginawa niya pa ng paraan para lang hindi sila magkatabi ni Azriel, pero gumawa rin ng paraan si Azriel kaya ngayon ay magkatabi na sila. 

Malakas siyang bumuntong hininga at tinuro si Joan na nasa harapan nila. 

"Ask the leader, idiot." 

"I don't want to go to her she's too far away so, I'll just ask you because-"

"Ayokong magpaliwanag ng gagawin d'yan. Tinatamad ako," inis niyang sabi at akmang iiwas na ng tingin ng hawakan nito ang braso niya. 

"Please, Zephire," he softly said while his thumb are forming a circle motion in her arms.

Mariin napapikit ang dalaga upang pigilan ang inis na namumuo sa katawan niya. Baka bigla niya na lang mapatulog ang kaharap kaya kailangan niya munang pakalmahin ang sarili. 

Baka siya pa ang magpagamot dito kapag nagkasugat ang makinis niyang mukha. 

Umayos na siya ng upo at hinila ang braso na hawak niya. "Ano ba kasi hindi mo naintindihan?" 

Agad siyang napa irap ng makitang ngumiti ito ng malawak na para bang may sobrang gandang nangyari sa buhay niya. Sinimulan na ni Zephire na ipaliwanag 'yung dapat niyang gagawin. 

Ramdam niya pa ang kakaibang paraan ng pagtitig sakaniya nito habang nagpapaliwanag siya pero hindi niya na iyon pinansin pa. 

"Sana naman hindi ka tuluyang na bobo at naintindihan mo na 'yung pinaliwanag ko," sarkastikong sabi niya kaya mahina itong natawa. 

Mas lalong lumaki ang inis na nararamdaman niya tungo sa binata. 

"Wag ka 'ngang tawa ng tawa d'yan. Nakakairita ka," irap niyang sabi. 

"I can't help it." 

"Pilitin mong pigilan. Naiirita ako sa tawa mo," masungit niyang sabi. 

At dahil siya 'nga si Azriel ay nagpatuloy ito sa mahinang pagtawa kaya sinamaan niya ito ng tingin hanggang sa matapos ito. 

"Nahuhulog ka na ba sa ngiti ko?" nakangisi niyang sabi kaya napasimangot ang dalaga. 

Agad niyang nilabas ang panyo at pinunas sa gilid ng mata niya. Nagkunwari siyang umiiyak sa harapan nito kaya kumunot ang noo niya. 

"Why are you crying?" 

"Kawawa ka naman kasi. Umaasa ka na mahuhulog ako sa'yo." sarkastikong sabi niya habang nagpupunas ng gilid ng mata. 

Napailing na lang ito at ginulo ang buhok niya. Sinamaan niya ito ng tingin at mahinang sinipa ang bangko niya. 

"Wag ka 'ngang feeling close. May kasalanan ka pa sa'akin," masungit niyang sabi at tumayo na upang pumunta kay Gabriel. 

Pagkatapos niyang ibigay ang pinabibigay ng girlfriend nito ay bumalik na siya sa upuan. Tinaasan niya pa ng kilay ang binata ng makita niyang seryoso na ang mukha nito. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon