C H A P T E R 4 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Sabay na tumakbo sina Joan at Zephire na magkahawak ang kamay sa malaking damuhan. Ngayon ay dinala sila ng tatlo sa rest house nila sa tagaytay.
"Gagi siguradong mahal bili nila dito," manghang bulong ni Joan habang nililibot niya ang kaniyang mata sa paligid.
Agad siyang tumango at humiga sa damuhan. Ginaya naman siya kaagad ni Joan at nilabas ang phone upang mag picture.
"Ilatag niyo muna 'to," kuno-noong sabi ni Jaxsen.
Napanguso na lang ang dalawa ng bigla na lamang silang hinatak ng dalawa patayo. Hinintay nila na mailatag ni Jaxsen ang malaking tela saka sila pasalpak na humiga doon.
"Sainyong tatlo talaga 'tong lahat?" manghang tanong ni Zephire.
Sabay-sabay silang tumango habang inaayos ang mga gagamitin nila pang luto. Balak nilang mag overnight pero bukas ay agad na rin silang aalis dahil may pasok pa sila.
"Natatakot ako mag senior high," nakangusong sabi ni Willie at umupo sa tabi ni Joan.
"Bakit naman?" takang tanong ni Joan at agad nilantakan ang marshmallow.
"Sa America kasi ako papag-aralin."
Sabay-sabay nilang gulat na tinignan si WIllie.
"What the fuck?" hindi makapinwalang usal ni Azriel.
"Ang akala ko ba magkakasama tayong tatlo!?" inis na dagdag ni Jaxsen.
"Tara kausapin natin sila tita," nakangiting suhestyon naman ni Joan kaya lahat sila nagtanguan.
"Sagot ka namin, wag kang mag-alala magaling mang-uto niyang si Joan," nakangising sabi niya habng tinatapik ang balikat ni Willie.
Malakas itong bumuga ng hangin saka tumango. "Sana lang. Ayoko talagang mag-isa doon sa America."
"Boring kaya doon," dagdag ni Jaxsen.
"Nakapunta ka na ba doon?" tanong ni Zephire saka tumayo at nag-unat.
Agad itong tumango. "One week lang ako doon pero sobrang nakakabagot doon. Marami pang sira-ulo doon kaya hindi talaga ako doon lumalabas. Nakakatakot."
"We? Patingin 'nga ng takot."
Malakas na natawa si Zephire ng bigla na lang nito inacting kung paano siya natakot.
"Mukha kang gago, Jaxsen," natatawang sabi ni Joan at sinubuan ng marshmallow si Willie.
Napa-awang na lang ang labi niya at parang kabibeng naglakad palapit kay Azriel. Narinig niya itong natawa dahil sa paglalakad niya kaya napangiti na lang din siya.
Mahina niyang binangga ang katawan nito. "May namumuo bang malanding ugnayan kina WIllie?"
Agad itong nag kibi-balikat. "I don't know."
Inirapan niya ito. "Palibhasa hindi ka chismoso."
Parang kabibeng naglakad naman siya papunta kay Jaxsen. "Ikaw may alam ka?"
"Saan?" kunot-noo nitong tanong at pinaypayan ng malakas ang apoy. Mag luluto kasi sila ngayon ng mga ihaw.
"Doon oh," nginuso niya ang dalawang parang mag jowang naglalampungan.
Bahagya itong tumango kaya nagliwanag ang mukha ng dalaga. "Chismis mo sa'akin anong nakalap mo?"
Mahina itong natawa saka namewang. "Nakita ko kahapon si Willie na may kausap sa phpne. Kilig na kilig pa 'nga ang gago kaya hula ko si Joan kausap niyan kahapon."
BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Ficção AdolescenteZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...