Chapter 45

2 1 0
                                    

C H A P T E R 4 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Ngayon ay bumibili na sila Joan ng magiging gown nila bukas. May ball kasi na gaganapin kaya kailangan na nilang bumili. Late kasi sakanila nakarating na may gaganapin na gano'n na event dahil sobrang naging busy ang section nila sa nagdaang linggo. 

Dahil na rin malapit na silang mag graduate ay maraming lumalapit sakanilang mga quiz bee competition. Halos kada linggo ay mayroon silang kaniya-kaniyang inaassign na dadaluhang quiz bee. 

Minsan na 'nga lang din sila mag usap-usap na magkakaibigan dahil kailangan pa nilang mag review ng mabilisan dahil kapag sinabi sakanila ng president nila na may magaganap na competition ay gaganapin na agad iyon kinubukasan. Kaya halos buong magdamag sila nag re-review. 

Pero kahit minsan na lang sila mag usap-usap ay lagi naman nakatambay ang apat sa bahay niya. Kapag walang sasalihan na competition ang iba sakanila ay tinutulungan nila ang mga may competition bukas kaya hindi na sila masyadong na ha-hassle pagdating mismo sa competition. 

"Wag na kaya tayong dumalo sa putanginang ball na 'yun?" inis na suhestyon niya kay Joan at pagod na umupo sa upuan na nakita niya. 

Kanina pa sila nag iikot ngunit wala pa rin silang mahanap na matinong gown. Naghahanap din kasi sila ng sapat lang sa budget nilang dala ngayon. Hindi na rin muna nila tinawagan ang tatlo dahil busy sila sa pag re-review. 

"Last na ball na 'to kaya kailangan na nating i enjoy," baliwalang sabi niya habang panay tingin pa rin ng gown. 

"Putanginang enjoy 'yan. Mas nakaka enjoy kung matutulog na lang tayo ng araw na 'yun," nakangusong sabi niya at humiga sa upuan. 

Agad naman siyang napansin ni Joan na humiga kaya agad niyang hinampas ang balikat nito. "Gaga! Wag ka 'ngang humiga d'yan!" 

Hinawa niya lang ang kamay nito na hinampas siya. "Putangina ikaw na lang maghanap d'yan ng gown. Hanapan mo na lang din ako." 

Malakas na bumuntong hininga ito saka tumango. "Ako na bahala. Basta wag kang mag re-reklamo kapag ayaw mo mapipili ko." 

Tumango na lang siya at mahinang sinipa ang likod niya gamit ang paa niya. "Sige na. Dalian mo na kasi gusto ko ng matulog." 

Ng mawala ito sa paningin niya ay agad siyang pumikit. Pa minsan-minsan ay dumidilat siya dahil baka mamaya ay may taong biglang sumulpot sa harapan niya. 

Akmang pipikit na siya ng may biglang humawak sa kamay niya. Agad siyang napaupo ng makitang batang babae iyon. 

"Ate, tulungan niyo po ako," nanginginig na sabi nito kaya agad siyang tumayo at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. 

"Bakit? Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya. 

Mas lalong nanginig ito ng mapadako ang tingin niya sa likuran niya. Agad siyang tumingin doon upang makita kung sino ang kinakatakutan nito. 

Napataas ang kilay niya ng makita ang matangkad at malaking pangangatawan ng isang lalaki. Ang isang braso nito ay puno ng tattoo at may hawak din na mahaba sa isa niyang tenga. Mukha itong tambay sa kanto pero mukhang mayaman. 

"Siya ba 'yung kinakatakutan mo?" malambing na tanong niya sa bata at hinawakan ng malumanay ang kamay nitong nanginginig. 

Dahan-dahan itong tumango. "K-Kanina niya pa po ako pinipilit na s-sumama sakaniya pero hindi ko po siya kilala." 

Naningkit ang mata niya at agad tumayo. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki na hindi niya namamalayan na nakalapit na pala sakanila. Pa simple niyang tinago ang batang babae sa likuran niya. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon