Chapter 35

2 1 0
                                    

C H A P T E R 3 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Oh, kaya pa?" natatawang tanong ni Matthew ng muntik na siyang bumagsak. 

Kanina pa siya pa gewang-gewang ng lakad. Para siyang lasing ngayon pero hindi naman talaga siya naka-inom. 

"Kaya ko pa pare," kunwaring lasing niyang sabi kaya malakas na natawa si Matthew at iginaya ang braso niya sa balikat niya. 

"Wag ka na kasing uminom sa susunod, pare," natatawang bilin nito habang tinatapik ang likuran niya. 

"Eh kais pare h-hindi ko maiwasan. Si bebang kasi iniwan ako sa ere! Wala man lang paalam!" naiiyak na sabi niya kaya napatawa na lang muli ang binata. 

"Baka sawa na siya sa pangit mong mukha." 

Agad siyang napahawak sa dibib niya  na animo'y nasasaktan. "Wow ha!? Ako pa talaga pangit. Baka siya pangit bwisit siya!" 

Sinipa-sipa niya pa ang maliliit na bato dahil sa inis kuno. Tinawanan lang siya ni Matthew at inayos ang pustura niya. 

"Kumusta na lola mo?" 

Agad siyang umayos ng tayo at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "Medyo umo-okay na naman siya." 

Ginulo nito ang buhok niya kaya napasimangot siya. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit tinawanan na naman siya nito. 

"Happy pill mo talaga ako 'no?" 

Parang batang tumango naman ito "Syempre mukha kang clown eh." 

Malakas niyang hinampas ang braso nito kaya halos buong kalsada ang nakarinig ng tawa ni Matthew. 

"Ikaw 'nga mukhang butiki, nagreklamo ba ko?" 

"Butiking gwapo-" 

"Uloks! Walang gwapong butiki." 

"Edi ako na magiging unang gwapon-" 

"Tumigil ka. Nakaka-irita ka!" 

Dadalawin nila ngayon ang lola niya kaya tahimik silang dumiretsyo sa kwarto ng lola niya. Pinauna niya na muna si Matthew dahil magbabayad muna siya ng bills. 

"Lola!" impit niyang tili niya at mabilis na tumakbo papunta sa nakaratay niyang lola. 

"Apo ko," malambing niyang bulong ng mayakap na siya ng dalaga. 

Napangiti na lamang siya ng maramdamang hinahaplos nito ang buhok niya. Parang nawala lahat ng pagod niya kapag ginagano'n siya ng kaniyang lola. 

Marahan siya nitong hinawakan sa balikat at pinaharap sakaniya. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan ang mukha ng dalaga. 

"Mukhang pagod na pagod ka iha. Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong nito. 

Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi niya. "Stress lang ako sa school, lola. Wag kang mag-aalala sa'akin, 'di ako magpapakamata- Ouch!" 

"Hay nako, ikaw talagang bata ka," gigil na sabi niya habang hinahampas ang braso niya. 

Napangiwi na lang siya ng maramdamang nanakit na naman ang braso niya. Kung hindi lang niya lola ito ay baka pinalipad niya na ito sa Paris. 

"Tama na, lola. Masakit kaya," naiiyak na sbai niya kaya tumigil na ang lola niya. 

"Nako lola. Baka bigla na lang matanggal 'yung braso niya kapag hinampas niyo pa po siya ulit," natatawang sabi ni Matthew kaya tinapunan siya ng masamang tingin ni Zephire. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon