C H A P T E R 3 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Oh! Akin 'yan punyeta ka wag kang maduga!" sigaw niya kay Gabriel ng kunin nito ang uno card na hawak niya.
As usual, ngayon ay naglalaro sila ng may involve na pera. Hindi pwedeng hindi dahil mayayaman naman mga classmates niya, hindi lang talaga halata sa pagmumukha.
Mukha kasi silang mga monggoloid.
"Ayoko 'nga," pang-aasar sakaniya ni Gabriel at dinilaan pa siya.
Mas lalong nag-init ang ulo ni Zephire kaya sinipa niya na ang tagiliran nito. Agad naman itong natumba sa lapag kaya napadaing ito ng malakas.
Tumayo na ang dalaga at agad kinuha ang uno card na kinuha nito mula sakaniya.
Hinampas niya pa ng malakas ang braso nito kaya mas lalo itong napangiwi. "Subukan mo ulit kunin 'to, malilintikan ka sa'akin."
Tumango-tango na lang siya at sumusukong tinaas ang kamay. "Sorry po, master."
Ngumisi siya ng malawak at tinapik ang ulo niya. "Good alipin."
Nagpatuloy na sila sa paglalaro. At dahil 'nga na kay Zephire ang magandang at swerteng card ay nanalo siya.
"Ang daya! Lagi na lang nanalo si Zephire!" inis na sigaw ng isa nilang classmate.
"Oh talaga ba?" ngising asar niya kaya mas lalo itong napasimangot.
"Bigyan mo na lang ako 10 pesesa. Bibili ako doon mik-mik sa baba," nakangusong sabi nito.
At dahil 'nga masaya naman siya ngayon ay binigyan niya na ito ng 10 pesos. Baka iyakan niya pa ang malaking halaga na 'yun.
"Lika 'nga kiss 'nga kita," nakangisi niyang sabi at akmang lalapit sakaniya ng may likod na humarang sa harapan ni Zephire.
"Bakit ka humarang d'yan? Umalis ka 'nga d'yan," inis na sabi niya at sinubukang hawiin si Azriel.
At dahil 'nga may malaki ito at mabigat ito ay hindi niya ito naitulak.
Tumingkayad na lamang siya at humawak sa balikat ng binata upang mabalanse niya ang sarili.
"Mamaya ka na lang mag kiss sa'kin," nakangising sabi niya dito. "Takasan ko lang 'tong higanteng 'to."
Pinag krus nito ang mga braso at sinamaan ng tingin si Azriel. "Girlfriend mo ba 'tong si Zephire?"
Tinaasan niya ng kilay si Azriel dahil biglang kumunot ang noo nito. Mukhang hindi niya ito masagot kaya napasimangot ang dalaga at bumaba na sa pagkakatingkayad.
"Malay ko d'yan punyeta. Ang weird mo talaga," iling niyang sabi at nilagpasan na ang binata.
"Kiss mo na ko," nakangisi niyang sabi at tinuro ang pisngi niya.
"Kabaklaan mo na naman, Jasmin! Umiiral!"
"Hoy ikalma mo 'yang kalandian mo Jasmin! Baka bukas pinaglalamayan ka na naman dahil kay Azriel."
"Mukhang may paglalamayan talaga tayo bukas."
Agad na tumakbo palapit sakaniya si Jasmin at akmang hahalik na ng iharang niya ang palad sa noo nito.
"Akin na muna 10 pesos ko," nakangising sabi niya kaya sinamaan siya nito ng tingin.
Puno ng inis niyang hinawi ang kamay nito kaya malakas siyang natawa.
"Kakabigay mo lang sa'akin tapos babawiin mo agad," inis niyang sabi at inirapan siya.
Inirapan niya naman ito pabalik. "Alangan namang libre ang pag kiss mo sa'akin d'ba? Dapat may bayad 'yun."
BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Novela JuvenilZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...