C H A P T E R 3 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Iha, ikaw ba ito?"
Agad siyang napalingon sa nanay ni Azriel ng may ipakita itong litrato. Halos hindi niya na marinig ang sariling paghinga ng makita niya ang picture frame nilang apat.
Mga bata pa sila sa picture at ang tatlo ay naka yakap sa batang Zephire. Si Jaxsen ay nakayakap sa kaliwang braso niya habang si Willie naman ay naka yakap sa kanan niyang braso. Si Azriel naman ay nasa likuran niya at nakapalibot ang braso nito sa balikat niya.
"Ikaw ba ang batang ito?" naluluhang tanong nito kaya agad siyang patitig dito.
Kumurap siya ng ilang beses ng makitang tumulo bigla ang luha niya. Ang akala niya ay isa lang iyon pero nag sunod-sunod iyon na parang gripo.
Sa hindi malamang dahilan ay sumikip ang dibdib niya habang nakikitang nahihirapan ang nanay ni Azriel. Niyakap niya kaagad ito ng mahigpit.
"T-Tahan na po," marahang bulong niya ng bigla na lang humagulgol ang ginang.
Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak, wala siyang ideya kung bakit nagka gano'n ang ginang. Ang magagawa niya lang ngayon ang aluhin lamang siya.
"I-Ikaw b-ba s-si Z-Zi?" garalgal na tanong niya.
Agad siyang tumango kaya mas lalo itong umiyak. Muntik na itong matumba pero kaagad naman siyang inalalayan ng dalagad na maka-upo.
Pinatay niya muna ang kalan dahil nasa kalagitnaan sila ng pagluluto. Agad siyang kumuha ng tubig at binigay iyon sa ginang.
Hinaplos niya ang likod nito habang umiinom. Alam niya na sa simula pa lamang ng magkita sila ay naalala na siya nito.
"I-I'm s-sorry, iha," puno ng sensiridad na sabi nito at marahang hinawakan ang kamay niya. Umupo siya sa harap nito at hinaplos ang buhok ng ginang.
"Hindi niyo po kailangan humingi ng pasensya sa'akin," nakangiti niyang sabi. Sinusubukan niyang pagaanin ang loob ng ginang.
Umiling-iling ito. "Dapat hindi kita hinusgahan noon. E-Edi s-sana h-hindi n-nangyari ang a-aksidenteng 'y-yun."
Malakas na bumuntong hininga ang dalaga at hinawakan muli ang kamay niya. "Nangyari na pa ang aksidenteng 'yun, tita. Kaya wala na rin pong magagawa 'yang paninisi niyo sa sarili niyo. At isa pa ay nakaraan na po 'yun, dapat kinakalimutan na po 'yun."
"Pero paano ang mga nawala nilang alaala?"
Napalunok siya ng manuyot ang lalamunan niya. Para siyang binagsakan ng malaking bato sa ulo ng maalala iyon. Ngayon ay gusto niya na lang sabunutan ang sarili dahil nakalimutan niya ang mga alaala ng tatlo.
"Siguradong kapag nakaalala sila ay kakamuhian ka nila," nag-aalalang sabi nito kaya nakagat niya ang labi niya ng madiin.
Kumabog ng mabilis ang dibdib niya sa kaba. Iniisip niya pa lang na nilalayuan na naman siya ng tatlo ay para ng may libong karayom ang tumutusok sakaniya. Paano pa kaya kapag talagang nangyari 'yun?
Gusto niyang kamuhian ang sarili dahil nasanay na naman siya na nand'yan sa tabi niya ang tatlo. Pinigilan niya naman eh, lahat ng paraan ay ginawa niya para lang hindi sila mapalapit muli sa isa't-isa. Pero wala rin, dahil ngayon ay magkakaibigan na naman sila.
"Sasabihin ko po sakanila lahat. Ipapaalala ko po sakanila ang tunay na nangyari noon," seryoso niyang sabi kaya mas lalong lumakas ang hagulgol ng ginang.
Agad siyang nag-iwas ng tingin upang hindi na tumuloy ang luha na bumagsak sa pisngi niya. Iniisip niya pa lang ngayon ay sobra na siyang nasasaktan. Madaling sabihin pero sobrang hirap gawin. Hindi niya alam kung paano sisimulan.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Fiksi RemajaZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...