C H A P T E R 1 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Paanong babae ka eh tignan mo 'nga 'yang itsura mo," mapanghusgang sabi ng isang batang lalaki habang nakangiwing pinapasadahan siya ng tingin.
Agad namang tignan ng batang Zephire ang sarili. Naka shirt lang naman siya at naka short na malaki, umabot na 'nga iyon sa ilalim ng tuhod niya. Ang buhok niya ay hanggang ilalim lang ng tainga, kaya siguro ay napagkamalan siya na lalaki.
"And look at your hair. It's so short," puna pa ng isang batang lalaki kaya napa irap na lang siya.
"Lahat na lang ba kailangan niyong pansinin sa'akin!? And isa pa hindi porket babae ka eh dapat mahaba buhok mo, kahit 'nga lalaki ay hindi required maiksi lang buhok kasi pwede rin sila mag pahaba ng buhok," masungit niyang sabi dahilan para tumaas ng sabay ang kilay nila.
Napa irap siya muli at tumayo na. Pinagpas niya muna nag damit niya saka lumingon sa paligid niya. Nakita niya sa 'di kalayuan ang dalwang tao, isang babae at isang lalaki. At mukhang may mga hinahanap sila.
"Anong mga pangalan niyo?" taas kilay niyang tanong sa dalawang bata.
Nagkatinginan muna sila na para bang nagtatanong sa isa't-isa kung sasabihin ba nila nag pangalan nila sa batang babae. Pinag krus ng batang Zephrie ang braso niya.
"Sabihin niyo na lang tutulungan ko naman kayo makapagtago."
Sabay nanlaki ang mata ng dalawa at agad tumingin kay Zephire.
"Really!?"
"Oo 'nga, mga bingi ba kayo?"
Napakamot ang dalawa sa batok nila kaya muling napa irap ang batang Zephire. Sa totoo lang pagod na siya mag ikot ng mata dahil nahihilo na siya, pero hindi niya maiwasan dahil sobra na siyang naiirita sa dalawa.
"My name is Willie," sabi ng batang dark brown at straight na buhok.
"Azriel," tipid na sabi naman ng batang malamig ang mga mata at itim ang buhok.
Ilang minuto munang tinitigan ni Zephire ang dalawa bago siya umayos ng tayo at palihim na tinignan ang dalawang matanda na patuloy pa rin ang paghahanap. Nagtataka pa 'nga dahil hindi sila sumisigaw.
"Sige. Bago ko kayo tulungan may mga pera ba kayong dala?"
Agad na nagkatinginan ulit ang dalawa at sabay na umiling. Napasimangot naman agad ang dalaga at pinasadahan ng tingin ang katawan ng dalawa.
"Bayaran niyo ko gamit 'yang mga mamahaling kwintas at relong suot niyo."
Sabay nilang niyakap ang sarili at nanlalaking matang tinignan ang dalaga.
"Magnanakaw ka ba!?" gulat na tanong ni Willie kaya pinigilan agad ni Zephire ang sarili na batuhin sila.
"Mukha ba kong magnanakaw-"
"Worse than the thief," putol ni Azriel sa sinasabi ni Zephire.
Hindi na napigilan ng batang Zephire na batuhin mismo sa mukha si Azriel kaya agad itong umiwas. Pero maswerte siya ngayon kaya natamaan si Azriel sa mukha.
"Edi bahala kayo d'yan. Hindi ko kayo tutulungan, magaling pa naman ako makipagtago. FYI, kapag naglalaro kami ng tago-taguan ako panalo kasi bukas na nila ko mahahanap. Sige kayo rin-" Nag kibit-balikat siya saka humakbang palabas sa tagong damuhan. "-Mahahanap na kayo agad ng pinagtataguan niyo, sige kayo."

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Teen FictionZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...