Chapter 26

13 1 0
                                    

C H A P T E R 2 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Lahat sila ay lutang at parang zombie habang naglalakad sila papasok sa room. Hindi sila lahat nakatulog dahil may multo raw kuno ang bahay nila Azriel. Silang dalawa lang ang hindi takot sa multo pero hindi sila hinayaan ng tatlo na makatulog. 

Kaya ang ending, lahat sila ay parang zombie. 

"Anong nangyari sainyo?" takang-tanong ni Gabriel sakanila ng sabay-sabay sila dumukdok sa lamesa. 

Nag sanhi pa iyon ng malakas na tunog kaya lahat sila ay naka-agaw ng pansin. Nag sunod-sunod pa ang mga bulungan nila pero hindi na iyon pinansin pa ni Zephire. 

Pero agad siyang napa-angat ng tingin ng marahan na hinilot ni Gabriel ang ulo niya. Kunot-noo niyang tinitigan ang binata. 

"May kailangan ka?" taas-kilay niyang tanong. 

At tama 'nga ang hinala niya, may kailangan talaga ito sakaniya kaya siya biglang naging maamong tuta. 

"Hihingiin ko na kamay niya," nakangiting sabi nito akaya agad napa-ayos ng upo si Zephire. 

"Seryoso ka d'yan, gago?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nanlalaking matang nakatitig dito. 

Agad siyang tumango at hinawakan ang kamay niya. "Last na 'to kaya sana may maganda kang naisip na plano." 

Kahit wala siyang tulog ay hindi niya maiwasang matuwa. Malawak siyang ngumisi at tinapik ang buhok nito. 

"Ako pa ba? Syempre meron akong plano, simula pa lang," nakangisi niyang sabi at kinuha ang pocket notebook niya. 

Lumiwanag ang buong mukha nito at mas lalong lumapit sakaniya. 

"Ready ka na bang marinig?" 

Parang tuta siyang tumango. 

Malawak siyang ngumisi at pinaliwanag na sakaniya kung ano ang naisip na plano. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Seryoso ka gago!? Parang sahod na niyan ng nag tra-trabaho sa mga office!" gulat niyang sabi habang gulat na nakatingin kay Gabriel.

Tumango ito saka kinurot ang pisngi niya. "Last na naman 'yun eh kaya tanggapin mo na lang. At isa pa sobrang ganda ng naisip mong plano kaya, sakto lang sa'yo 'yun." 

Naluluha siyang tumayo at agad niyakap sa leeg si Gabriel. Tinapik-tapik naman nito ang likuran niya. 

"Salamat! Ikaw ang aking inspiration para magpatuloy sa'aking putanginang buhay," naluluha niyang sabi na may halong pagka-sarkastiko. 

Mahina itong natawa saka sinuklay ang buhok niya na hanggang baba ng dibdib niya. "Maraming salamat aking binibni- ouch!" 

Napakurap ng ilang beses ang dalaga ng bigla itong dumaing eh hindi niya pa naman ito nasusuntok sa t'yan. 

"I hit you on purpose so, I won't say sorry to you," kibit-balikat na sabi ni Azriel kaya gulat siyang napalingon dito. 

Bigla siyang tinaasan nito ng kilay kaya napahawak siya sakaniyang dibdib na para bang nagulat. 

"Bakit gan'yan ka makatingin?" mausngit niyang tanong at nakangiwing lumingon kay Gabriel. 

"Ano, kaya mo pa?" 

Inis na tinignan n Gabriel si Azriel. "Selos ka?" 

Agad nag-iwas ng tingin si Azriel. "Crazy." 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon