Chapter 10

16 1 0
                                    

C H A P T E R 1 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Uwian na nila ngayon kaya sobrang lawak nang ngiti ng dalaga. Nakalipas na ang dalawang araw. Pero sa dalawang araw na iyon ay hindi nawawala ang pag-aaway nilang tatlo laban sa buong section. Minsan ang mismong section nil ang nag-aaway. 

Napag desisyonan na rin nilang lahat na wag na lang ipagpatuloy ang masamang binabalak tungo sa tatlo. Nasayang lang ang pagod nila na magplano ng mga kalokohan tapos hindi man lang matutuloy. 

Pero may point namna ang president nila na mas lalong masasyaang lang din nag pagod nila sa pagpapa-alis sa tatlong itlog. Malapit na rin naman sila umalis doon kaya sigurdong hindi na sila magkikita pang muli. 

"May trabaho ka ba ngayon?" tanong ni Joan habang inaayos ang mga gamit na nakakalat sa desk niya. 

Agad namang umiling ang dalaga at nag-unat muna bago isuklib ang bag sa balikat niya. Akmang lalakad na siya ng biglang may humawak sa braso niya. Kunot-noo naman iyon nilingon ng dalaga. 

"Anong problema mo?" inis niyang tanong kay Jaxson at mabilis na binawi ang braso niya. 

Hindi ito nagsalita at tumitig lang kay Zephire. Namewang ang dalaga sa harapan niya at nilabanan lang ang tingin nito. 

Para nitong kinakabisado ang bawat sulok ng mukha niya kaya hindi maiwasan ng dalaga na mailang. Halatang-halata ang pagtataka sa mga mata nito. 

Napailing na lamang si Zephire at umayos nang tayo. "Kung wala kang sasabihin mauna na k-" 

"Nagkita na ba tayo dati?" taka niyang tanong dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ng dalaga. 

Nagsimulang lukubin ang dalaga ng kaba. Hindi niya alam kung ano ang dapat isagot sa tanong niya. Gusto niyang umoo at sabihin lahat ng totoo pero hindi na pwede. 

Malakas siyang bumuntong hininga at umiling. "Ngayon 'nga lang kita nakita eh. Sige, alis na ko." 

Bago pa ito makapagsalita ay agad na niyang tinalikuran ito at mabilis ang paglalakad na lumabas sa room. Hindi niya na hinintay pa si Joan dahil alam niya namang hahabulin siya nito. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Umamin ka na kasi sa'akin, Zeppy!" pag mamakaawa ni Joan kay Zephire na naghuhugas ng pinggan. 

Inis niyang tinalsikan ng sabon ang mukha ng kaibigan. Agad namang napasigaw ang kaibigan at napalayo sakaniya. 

"Wala akong aaminin sa'yo, Joan. Kahit lumuha ka pa ng dugo d'yan." 

Nakangusong kinuha niya ang high chair at itinabi iyon sa lababo kung saan naghuhugas ang dalaga. 

"Hindi ako naniniwala sa'yo. Sigurado akong may tinatago ka sa'akin." 

Nag kibit-balikat si Zephire. "Edi huwag kang maniwala, paki ko." 

"Zeppy naman e-"

"Stop calling me Zeppy," inis niyang putol dito at pinunsan na ang basang kamay. "Ang pangit pakinggan." 

Agad niya ng tinalikuran ang kaibigan. At sa inaasahan ay susunod ito sakaniya na parang aso. Hindi na lamang siya pinansin ang kaibigan at nag tuloy-tuloy sa cr upang mag toothbrush. 

Bahala siya d'yan maubusan ng lakas kakasunod sa dalaga. 

"Zeppy, dali na. Hindi talaga kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi mga sikret mo." 

"Edi wag mo kong tigilan." Nagmumog na siya saka pinunasan ang bibig gamit ang twalya. "Paki ko?" 

Nakangisng humiga siya sa lapag saka tinuon na lamang ang pansin sa phone niya. Panay ang pangungulit ng kaibigan pero nagkukunwari siyang walang naririnig. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon