Chapter 6

16 1 0
                                    

C H A P T E R 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Napuno ang apat na sulok na kwarto ng malakas na halakhakan. Hinawakan na ni Zephire ang nanakit na t'yan dahil sa malakas na pagtawa. 

Talagang nasisiraan na sila ng bait. Ano sila satingin nila? Mga diyos na kailangan galangin ng lahat? Hell no. 

"May nakakatawa ba sa sinabi mo, bro?" takang tanong ni Willie habang kunot-noong nakatingin sakanilang lahat. 

Agad namang nagkibit-balikat si Jaxsen. Mukha na itong galit dahil nagtatagis na ang mga bagang nito. "Mom is right. The people in this section are crazy."

Agad namang tumango si Azriel. "Yeah." 

Halos mapahiga na silang lahat dahil sa malakas na pagtawa nila. Lahat sila ay naluluha na at hindi na makahinga ng maayos, pero patuloy pa rin ang pagtawa nilang lahat. 

"Putangina, wag na kasi kayong tumawa! N-Nahahawa a-ako," nahihirapang sigaw ni Joan dahil para unti-unting nawala ang tawa. 

Lahat sila ay nakalabi na ngayon upang hindi na lumabas pa ang malakas na halakhak. Dahil siguradong kapag may tumawa na naman ay madadamay na ang lahat. 

Oh d'ba, kakaiba talaga ang section na kinabibilangan ni Zephire. Pero kahit na weird silang lahat ay mahahalaga ang lahat ng pinagsamahan nila. 

"Are you done laughing?" seryosong tanong ni Azriel dahilan para magkatinginan silang lahat. 

At sa inaasahan ay may mapangahas na tumawa kaya lahat na naman sila ay nadamay. Agad na yumuko si Zephire upang hindi na makita ang mga nakakatawang mukha ng mga classmate at pilit na pinapakalma nag sarili. 

Bwisit talaga sila, literal. 

"Bro, mali yata tayo ng napasukan ng classroom. Mental hospital na yata 'to," nakangiwing bulong ni Willie pero narinig iyon ni Zephire kahit na nasa likuran siya. 

"I think we should talk to your parents about this shit, Jaxsen," malamig na sabi ni Azriel at lumabas na sa classroom. 

"Hoy teka lang!" sigaw ni Willie at agad na sumunod palabas. 

"U-Umalis n-na kayo, b-bye!" nahihirapng sabi ng president nila at malawak na nakangiting kumaway pa kay Jaxsen. 

Agad namang ngumiwi si Jaxsen at puno ng pagkadismaya na umiling na lamang sakanilang lahat saka lumabas na. Unti-unti namang nagsigawan ang lahat. 

Malakas na napabuntong hininga ang dalaga at napainom ng tubig. Hindi niya maiwasan kabahan dahil ngayon lang yata tuluyang pumasok sa isip niya na pumunta ang tatlo sa classroom nila. At ang malala pa doon ay baka maging classmate rin nila ang tatlong bugok. 

Shit! Hindi pwedeng mangyari 'yun!

"Ano bang ginagawa nila dito?" takang-tanong ng isa sa mga classmate nila kaya lahat sila ay tumingin sa president ng class nila. 

Malakas na bumuntong hininga ito saka tumayo. " Mukhang nilipat sila ng mga magulang nila dito. Hindi niyo ba nabalitaan?" 

Lahat silang ay kumunot ang noo. 

"Anong balita ba?" 

"Lately, lagi silang napapa-away. At alam naman ng lahat ng istudyante dito na baliw tayong section kaya ang akala siguro ng mga parents nila ay maayos natin sila dahil alam nila na waa silang laban sa'atin," seryosong sabi nito kaya lahat sila ay nagbagsakan ang balikat. 

Literal na walang laban ang tatlo sa section nila dahil mas malala sila makipag-away. 

"Grabe talaga sila sa'atin," nakangusong sabi ni Joan. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon