C H A P T E R 4 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Ikaw lang mag-isang pumunta sa hospital!?" hindi makapaniwalang tanong ni Willie.
Umiling siya saka kinagatan ang tinapay na dala. Ngayon ay nakapwesto na sila sa upuan nila pero si WIllie ay naka-upo sa upuan ni Joan.
"Nakasalubong ko si Matthew, kaibgan ko."
"Bakit hindi mo kami tinawagan?" tanong ni Jaxsen.
Matalim siyang inirapan ni Zephire. "Naiinis ako kay Azriel ng aaraw na 'yun, syempre damay na kayo doon."
Sinamaan ng dalawa ng tingin si Azriel kaya mahina siyang natawa at napailing na lang.
"Doon pala sa sinabi niyong balak niyong ipakulong aso ko, wag niyo ng ituloy. Nagsasayang lang kayo ng oras," sabi niya habang ngumunguya.
Agad naman bumalik ang seryosong mga mukha nila kaya napairap na lang siya. Mukhang mahihirapan siya ngayong kausapin ang tatlo.
"You will just let him be? After all that he did to you that almost killed you, will you just let it go?" may bahid ng inis na tanong ni WIllie.
Agad siyang tumango. "Ayoko na ng gulo okay? Pero pinapangako ko na sa oras na saktan na naman niya ako, ako na mismo magpapakulong sakaniya. Sa ngayon hayaan niyo na lang muna okay?"
Sabay-sabay silang nag buntong hininga at nagkatinginan. Mukhang ayaw pa nilang sundin si Zephire dahilan para mapabuntong hininga rin siya.
"Sumunod na lang kayo sa'akin. Wala na rin naman kayo magagawa," nakalabing sabi niya at nag-unat.
Sobrang gaan na ng pakiramdam niya ngayon. Sa wakas ay wala na siyang tinatago pang sikreto at wala na siyang dapat itago at magpanggap pa. Makakahinga na rin siya ng maluwag sa wakas.
⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇
Hindi na sakaniya nag pakita ang tatay niya simula noong mangyari ang pag-uusap nila sa hospital. Wala na siyang balita dito at wala na rin siyang paki kung ano na nangyari doon.
"Oh, kumain na kayo kanina pa kayo d'yan," nakangiwing sabi niya at nilapag ang niluto niyang ulam at kanina para sa apat.
"Tapos na 'to! Sa wakas!" nakangiting sigaw ni Joan habang nag-uunat.
Bukas na lalabas ang lola niya hospital kaya tinulungan siya ng apat na maglinis ng buong bahay na binili niya. Katamtaman lang ang laki 'nun, saktong-sakto lang sakanilang lahat.
Dapat talaga ay siya lang ang mag-isang maglilinis dito pero pinilit ng apat na tutulong sila kaya ayun, hindi sila natiis ni Zephire.
"May dala ba kayong mga damit?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong bahay.
Para siya ngayong lumulutang sa alapaap dahil sa wakas ay nakabili rin siya ng sarili niyang bahay. May matatawag na siyang sakaniya at may ipapagmalaki na siya dahil bunga ito ng dugo at pawis niya.
"Syempre meron. Alangan naman wala," pilosopong sabi ni Willie kaya agad siyang hinagisan ni Zephire ng tsinelas.
Malakas silang nagtawanan. Sumabay na rin si Zephire na kumain habang nag-aasaran pa rin silang lahat.
Dalawa naman ang banyo kaya naligo na sila at pagtapos 'nun ay nanood sila ng horror movie. As usual, ang tatlo lang ang natatakot. SIna Azriel at Zephire at nakangiwi lang habang tutok na tutok sa pinapanood.
"Boring," bagot na bulong niya at tumayo na upang lumabas.
Alam niya na naman ang magiging ending 'nun dahil halatang-halata na.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Fiksi RemajaZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...