C H A P T E R 2 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Gagi kinakabahan ako," puno ng takot na sabi ni Joan habang kinakalikot ang dumi sa kuko niya.
Agad na tinapik ni Zephire ang likod nito. "Wag ka ng kabahan."
Sarkastikong tumango ito. "Grabe sobrang nakakagaan ng loob 'yung sinabi mo. Sige, hindi na ko kakabahan."
Mahina niyang hinampas ang kaibigan at tumngin sa classmate nilang nag re-report sa harapan. Sila na ang pinaka last na groupong mag re-report pero ramdam ni Zephire ang matinding kaba.
"Willie, nasa'yo ba 'yung chart na sinulat natin kahapon?" kunot-noong tanong ni Joan habang aligagang naghahanap kung saan-saan.
Agad namang umiling si Willie. "D'ba nasa'yo?"
"Tanda ko talaga na nandito lang 'yun kanina! Shit nawawala yata," nag pa-panic na sabi niya kaya lahat sila ay nag panic na rin.
Pinakamahalaga iyon sa reporting nila at hindi iyon pwedeng mawala. Siguradong mababawasan ang points nila kapag wala silang chart!
"Shit nawawala talaga. Malapit na 'yung turn natin," naiiyak na sabi ni Joan kaya lahat sila ay nagkatinginan.
Hindi na nila alam gagawin. Gusto na rin umiyak ni Zephire pero pinigilan niya lang ang sarili. Nagpakahirap pa siyang gumawa ng report at bigla na lang nawala na para bang bula.
Nang may maaalala ay agad niyang tinignan si Azriel. Inalis niya muna ang hiyang nararamdaman tungo dito dahil sa ngayon, ang mahalaga ang magiging grade nila.
"Dala mo ba 'yung laptop mo?"
Agad itong tumango kaya agad nabuhayan ng loob si Zephire.
"Yun na lang muna gamitin natin. Kung walang chart magbabasa na lang si Joan katulad ng plano. Ano okay ba sainyo?"
Sabay silang tumango lahat kaya nilahad niya na ang palad sa harapan ni Azriel. "Akin na."
Agad kumunot ang noo ng dalaga ng bigla itong kumamot sa batok niya.
"Actually my laptop is still in tita's office."
"Pota," mariin niyang bulong at agad nilingon ang teacher nila.
Isa pa 'to sa sobrang strikto na teacher sakanila. Ni kahit 'nga umihi lang sa oras ng class niya ay bawal, paano pa kaya kung magpapalam sila lumabas para lang kunin ang laptop ni Azriel?
Inobserbahan lang ni Zephire ang teacher niya ng ilang minuto. Ng masigurado niya na sobrang tutok nito sa nag re-report nilang classmate ay sinenyasan niya si Azriel na sumunod sakaniya.
"Saglit lang kami," bulong niya sa tatlo na nakatingin sakanila.
Tumango lang sila at tumingin sa harapan para magpanggap na walang problema. Dahil 'nga dalawa ang pintuan ng room nila at naka pwesto sila sa likuran, dadaan sila sa likuran na pintuan na malapit sakanila.
Naka-upo lang siya habang dahan-dahan naglalakad. Ginaya naman siya ni Azriel pero masyado siyang matangkad kaya mas lalo pang binaba ni Zephire ag likuran niya. Muntik pang mahalikan ni Azriel ang sapatos niya dahil doon.
Halos hindi na huminga ang dalawa habang dahan-dahan binubuksan ni Zephire ang pintuan. Nang mabuksan niya iyon ng malaki ay agad niyang sinensyasan si Azriel na mauna na.
Nakahinga ang dalawa ng maluwag ng maisarado nila ng walang ingay ang pintuan. Mabilis na silang tumakbo papunta sa office ng principal. Hinintay na lamang ni Zephire ang binata sa may labas.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Teen FictionZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...