C H A P T E R 2 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━At dahil 'nga parang mga tatay ang tatlo ay hindi sila tuluyang naka takas sa mga ito. Para silang mga tatay na bantay sarado sa mga anak nila.
"Wag niyo 'nga kaming palibutan! Hindi kami tatakbo," inis na sigaw ni Joan at malakas na tinutulak sina Jaxsen at Willie. Hindi niya maitulak si Azriel dahil nasa tabi siya ni Zephire.
Sinamaan lang ng tingin ni Zephire si Azriel na seryosong nakatingin sa daan.
"Hindi na talaga kami tatakas, daddy," sarkastikong sabi niya dahilan para samaan siya ng tingin ni Azriel.
"Don't call me daddy, I'm not your daddy."
Humigikhik siya. "Sige, my hot bodyguard."
Gulat na tumingin ito sakaniya. Mukhang hindi niya inaasahan na tatawagin siyang ganu'n ng dalaga.
"My hot bodyguard? What the fuck?" hindi makapaniwalang sabi niya kaya agad napanguso ang dalaga.
"Ayaw mo? Sige my ugly bodyguard na lang."
"Wait, what!? I'm not saying th- Zephire wait for me, I'm not yet finished talking!" sigaw nito ng makitang inunahan na siya ni Zephire makarating sa loob ng school.
"Ang ingay mo, my ugly bodyguard," nakangiwi niyang sabi ng tuluyan na siyang mahabol nito.
Mas lalo niyang nakita ang inis sa mga mukha nito kaya mawalak siyang napangiti. Nang-aasar na tinapik niya ang balikat nito.
"Wag ka nang mainis, my ugly bodyguard. Marami talagang tao ang hindi para sa'yo," natatawa niyang sabi.
Kahit siya ay hindi niya naintindihan ang sinabi kaya napangiwi siya. Nakita niya pa sa gilid ng mata niya na may mga matang nakatingin sakanila.
"What do you mean?" takang tanong niya.
"Sabi ko ang ugly mo talaga, my ugly body guard," nakangisi niyang sabi at kinindatan ito.
Nang makita niyang mas lalong nag-apoy ng mata nito ay agad niyang tinalikuran ito at nauna ng maglakad.
"Zephire!" malakas na sigaw niya kaya agad siyang napalingon sa mga taong nakatingin sakanila.
"Pagpasensyahan niyo na 'yung ugly bodyguard ko ah, masyado kasing high blood kaya ayun sumisigaw na," nakangiwi niyang sabi sa mga ito kaya napangiwi ang mga tao sakaniya.
"I'm not ugly! And I'm not your bodyguard!" inis na sigaw nito kaya malakas na tumawa si Zephire.
"Whatever, my ugly bodyguard."
⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇
At sa inaasahan ay halos buong araw ng klase, kung saan man sila magpunta ay naka sunod ang tatlong itlog sakanila.
"Anong pwedeng plano para matakasan natin 'yung tatlong 'yan?" inis na bulong sakaniya ni Joan.
Ngayon ay nasa canteen sila at kaharap nila ang tatlong itlog.
Nag kibit-balikat siya saka kinagatan ang tinapay na hawak. "Wala na kong balak makipag date doon. Ikaw na lang kung gusto mo."
Gulat siyang iniharap ni Joan sakaniya. " Paano na 'yung magiging future ko!?"
"Anong future gago." Hinampas niya ng malakas ang kamay nito pata mabitawan niya ang balikat ni Zephire.
"HIndi mo pa 'nga nakikita 'yung magiging ka date mo, future agad?" hindi makapaniwalang sabi niya kaya agad nag-angat ng tingin ang tatlo.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Fiksi RemajaZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...