C H A P T E R 2 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Tangina ampota, napaka-ingay niya," inis na bulong ni Joan habang masama ang tingin kay Erina.
Nakangiwing pinasadahan naman ng tingin ni Zephire ang dalawa. Kita niya na nilalandi at pilit na kinaka-usap ni Erina si Azriel pero hindi naman ito umiimik. Kaya mas lalong nag-ingay si Erina para lang pansinin siya ni Azriel.
Pagkatapos kasi nila mag dinner lahat ay biglang sumulpot si Erina at nagmakaawa kay Azriel na manatili sa mansyon nila dahil natatakot daw siya sa bahay nila. Mag-isa lang daw kasi siya doon.
Hindi na dapat papayag si Azriel pero biglang naawa ang nanay niya kaya wala silang nagawa kung hindi hayaan na lamang si Erina. Ang kaso naman ay masyado niyang nilalandi ngayon si Azriel.
Sigurado siyang hindi talaga ito natatakot na maging mag-isa sa bahay nila, gusto niya lang talaga landiin si Azriel at kuhanin muli ang loob niya.
Let's see kung maging successful 'yung plano niya.
"Look at this, Azi. It's so funny!" malanding sabi niya habang mahinang tumatawa sa Erina habang niyugyuyog ang braso ni Azriel.
Napa-irap na lang siya ng makitang hindi man lang lumayo si Azriel sakaniya. Nagugustuhan niya ba talaga ang ginagawa ni Erina!?
Hindi kaya nagugustuhan niya ng palihim ang ginagawa sakaniya ni Erina kaya hindi man lang siya gumagalaw?
Sa hindi malamang dahilan ay may kung anong kumirot sa puso niya habang pinapanood ang bawat kilos ni Erina. KItang-kita niya ang pag liwanag ng mukha nito at pagningning ng mga mata nito ng makitang pinapanood ni Azriel ang pinakita niya sa phone niya.
Walang emosyon siyang nababasa sa mukha ni Azriel pero alam niyang interesado ito sa pinanood sakaniya ni Erina.
Mukhang mahal pa rin niya si Erina.
"Hoy Zephire!" malakas na sigaw ni Joan kaya lahat sila ay napalingon sakaniya.
"Kung saan-saan ka kasi nakatingin, 'yan tuloy, nagupit na 'yung daliri mo," nakangiwing sabi niya at inagaw sakaniya ang gunting na hawak.
Gulat naman siyang tumingin sa daliri niya.
"It's bleeding," sabi ni Jaxsen na nasa tabi na ni Zephire. "Let's wash it."
Masuyo siyang hinawakan ni Jaxsen sa braso at inalalayan papunta sa loob. DUmiretsyo sila sa kitchen at si Jaxsen na mismo ang naghugas ng daliri niya. Hindi naman siya nasaktan kahit na medyo malaki ang natamo niya.
"Hindi ba masakit?" nakangiwing tanong niya habang tinitigan ang magiging reaction ni Zephire habang hinuhugasan niya iyon.
Umiling siya saka bumuntong hininga ng malalim. "Sanay na ko sa sakit."
Mahina naman ito tumawa at dahan-dahan ang paglapat niya ng towel sa daliri niya. "Lalim yata ng pinaghuhugutan natin ngayon ah, Ms, Zep."
"Kung hugutin ko kaya 'yang mata mo?" mataray niyang tanong kaya tumawa na naman ito.
"You were hurt when you saw Azriel and Erina flirting, right?"
Napa-irap siya saka tumango. Kita niya pa ang gulat sa mga mata nito. Hindi niya inaasahan na ganu'n lang kadali paaminin si Zephire.
"I don't expect you to be that easy to admit your feelings," he said, full of amusement.
Nag kibit-balikat ang dalaga. "There's no use to deny it. It's also tiring to hide your feelings."

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Novela JuvenilZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...