Chapter 42

3 1 0
                                    

C H A P T E R 4 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Malakas na bumuntong hininga ang dalaga at dumukdok sa gilid ng kama. Tulog na ang lola niya ngayon pero hanggang ngayon ay hindi niya maalis-alis ang kabang nararamdaman. 

Hindi niya pinaliwanag ang side niya habang kinikwento sa tatlo ang pangyayari. Sinasadya niya iyon gawin upang makita kung ano ang mararamdaman ng tatlo, kung ano na ang magiging turing ng tatlo sakaniya. 

Alam niya naman na ang magiging kalabasan nito pero hindi niya pa rin maiwasang umasa na sana hayaan ng tatlo na malaman kung ano ang side niya, malaman kung bakit niya ba talaga ginawa iyon. 

Pero agad siyang nag-angat ng tingin ng may biglang malakas na bumukas ng pintuan ng kwarto ng lola niya. Agad nanlaki ang mata niya at kinuha ang baseball bat sa may ilalim ng kama. 

Sinasadya niya talagang dalihin iyon para in case of emergency. 

"Punyeta! Bakit ka nandito!?" inis na bulong niya at agad tinutok sa tatay niya ang baseball bat. 

Agad itong napatigil sa paglapit sakaniya. Mariin lang siyang tinitigan ng tatay niya sa mata na may halong pagmamakaawa. Napangiwi siya dahil nararamdaman niya na may kailangan na naman ito sakaniya kaya siya nandito. 

As if namang tutulungan niya ang aso nilang gala. 

"A-Anak-" 

"Wag mo 'nga kong tawaging anak!" 

Medyo napalakas ang boses niya kaya agad siyang lumingon sa lola niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang natutulog pa rin ito. 

Matalim niyang ibinalik ang tingin sa tatay niya at agad binaba ang baseball bat. Puno ng tapang na nilapitan niya ang tatay niya at hinila ang damit nito papunta sa labas. 

Halos madapa-dapa ang tatay niya dahil sa marahas niyang paghila sa damit niya. 

Agad niya ng binitawan ang damit nito at kinuha ang maliit na alcohol sa bulsa ng pantalon niya at nag spray sa buong katawan niya. Para niya iyong ginawang cologne. 

"Kung may kailangan ka sa'akin, please lang. Wala akong pera ngay-" 

"Hindi pera ang kailangan ko ngayon, anak-" 

"Tangina naman sabing ayokong naririnig sa'yo 'yung salitang 'yan eh!" 

"Wag mo kong minumura. Tandaan mong masa matanda-" 

"Tangina mo." 

Mlakas na napabuntong hininga na lamang ito ng puno ng frustasyon. Tinaasan lang siya ng kilay ni Zephire. 

"Talagang hindi ka naturuan ng nanay mo na gumalang-"

"Bobo, tinuruan ako ng nanay ko na gumalang sa mga taong deserve ang galang ko." 

Matalim siyang napa-irap ng makitang bumuntong hininga na naman ito. Siguro nagsisi na ito ngayon kung bakit siya pa ang naging anak niya. Well, gano'n din naman siya. Sising-sisi siya na siya pa ang naging tatay niya. 

"Kung sabihin mo na lang 'yung gusto mong sabihin para matapos na 'to at makatulog na ko sa tabi ni lola," masungit niyang sabi pinag-krus ang mga braso. 

Wala naman talaga siyang balak na pakinggan ang wala niyang kwentang tatay dahil alam niya naman na wala rin namang kwenta ang sasabihin nito. 

"Kailangan mo kong itago-" 

"Hinahabol ka na naman ng mga pulis dahil may ginawa ka na namang katarantaduhan?" natatawa niyang tanong kaya gad siyang sinamaan ng tingin ng tatay niya. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon