C H A P T E R 2 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Naka simangot silang lahat habang naglalakad sila sa mansyon nila Azriel. Hindi na nilibot pa ni Zephire ang tingin niya dahil hanggang ngayon naman ay wala naman nagbago sa itsura 'nun.
Habang si Joan naman ay nakakapit sa braso niya habang nililibot nito ang mga mata. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkamangha. Para itong batang first time makapasok sa mall.
"Ang laki ng bahay nila," manghang bulong ni Joan sakaniya.
"Tanga mansyon 'to," bulong niya at mahinang binatukan ang kaibigan.
Agad naman ito napanguso at akmang magsasalita ng biglang kumapit sakaniya si Willie na parang bulate.
"Bitawan mo 'nga ko, bulate!" inis na bulong ni Joan at binitawan na ang braso ni Zephire.
Agad siyang lumayo dito para hindi siya madamay na naman sa away nilang dalawa. Masyado siyang nasobrahan sa atras kaya may matigas na bagay siyang nabangga. Muntik pa siyang matumba kung hindi lang siya nakahawak agad sa braso ni Azriel.
"Be careful," bulong ni Azriel. Hindi niya matukoy kung galit o naiirita siya.
"Sorry na. Ayokong maglabas ng pera, wala na 'nga ko 'nun eh," inis na bulong niya at dumikit na limang kay Azriel.
Mahirap na at baka bigla na siyang makasira ng mamahaling gamit. Wala pa naman siyang pangbayad 'nun.
"Mukha kayong mga kiti-kiti," natatawang sabi ni Jaxsen habang palipat-lipat ang tingin sa apat.
Masyadong naka dikit si Zephire sa braso ni Azriel habang si Willie naman ay kapit ng kapit sa braso ni Joan na animo'y batang naliligaw sa mall.
"Oh edi sige, sa'yo na lang ako didikit," nakangising sabi ni Zephire at akmang lalayo na kay Azriel ng bigla siya nitong hawakan sa braso.
"Stay here."
Tumango na lang siya kahit nag pro-proseso pa ang utak niya dahil sa sinabi niya.
"Stay here raw!" pang-aasar na sabi ni Jaxsen kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Manahimik ka 'nga, gago," bulong niya. Bineletan lang siya ni Jaxsen kaya umirap ang dalaga.
Pagtulak ni Azriel sa malaking pintuan ay agad naging bato ang dalaga sa kinatatayuan niya. Hanggang ngayon ay parang gusto niyang sumuka sa sumalubong sakaniya na mukha.
"Why are you here, Erina?" Azriel coldly asks.
Napa-irap na lang si Zephire at lumayo na kay Azriel ng makita niyang tumalim na naman ang mata nito sakaniya.
Tangina nito, akala mo naman sila pa ni Azriel para umakto ng gan'yan.
"Oh, bakit nandito kayo?" nakangiting tanong ng nanay ni Azriel na kakagaling lang sa kusina.
"Oh, hi tita! Are you done cooking?" matinis na sabi ni Erina at agad nilapitan ang nanay ni Azriel.
Napa-irap ang dalaga at agad nag-iwas ng tingin sakanila. "Masyadong sipsip ampota."
"What did you say, Zephire?" taas-kilay na tanong ni Erina kaya tinaasan niya rin ito ng kilay.
"May sinasabi ba ko?"
"I clearly see that you're gossiping about something about me," mataray na sagot nito kaya napa-irap siya.
"And why do you think I'm gossiping about you?" mapang-hamon niyang tanong.

BINABASA MO ANG
Crazy Little Things (Little Series #3)
Teen FictionZephire, marked on her mind that money can buy happiness. Well she can buy anything she want. The day won't last without her using her 'zappy tactics' just to get money from people around her. Not until one Crazy Little Thing happened and it suddenl...