Chapter 1

36 2 0
                                    

C H A P T E R 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Nasaan na ba kasi 'yun!?" puno ng frustasyon na tanong ni Joan habang pa lakad-lakad sa harap ni Zephire.

Hanggang ngayon ay lutang pa rin ang utak ni Zephire. Hanggang ngayon ang utak niya ay nasa himpapawid pa rin. Hindi na niya maipasok sa utak niya ang mga nangyari.

"Wala ka ba talagang number ng tatay mo!?" inis na tanong ni Joan habang titig na titig sa nakaupong dalaga.

Imbis na sagutin ay minasahe lang ni Zephire ang magkabilang sentido niya. Pilit niyang pinaghahati ang mga nangyari sakaniya ngayong araw.

Una ay may tinulungan siyang isang taong nagngangalang Thalia. Balak pa sana ng ginang na iligtas ang nagngangalang Celene ngunit nahuli na sila dahil biglang may dumating na matandang lalaki.

Dinala niya kaagad sa hospital ang ginang at bigla niya na lang nabalitaan na inatake bigla sa puso ang nanay niya. Mabuti na lang at nasa harapan niya si Joan nang mahimatay ang nanay niya dahil kung sakaling wala si Joan, baka ngayon ay dead on a rival na ang nanay niya.

"Si nanay!" malakas na sigaw ni Zephire dahil ngayon niya lang na proseso ng tama sa isip niya ang nangyari sa nanay niya.

Humahangos siyang tumayo at agad naging aligaga. "Nasaan 'yung nanay ko!"

"Puta sandali 'nga!" sunod na sigaw ni Joan at agad na hinawakan si Zephire sa magkabilang balikat at hinarap siya nito sakaniya.

Agad namang umakyat lahat ng dugo sa ulo ni Zephire nang makita ang mukha ng kaibigan. Nagmamadali siya ngayon at nag-aalala, tapos may bigla pang pipigil sakaniya.

"Ano ba kasi 'yun, tangina naman eh. Hinahanap ko nanay ko tapos bigla kang eepa-"

"Nasa emergency room na kasi si tita. Kahit halughugin mo pa 'yung buong hospital hindi mo siya makikita kasi 'nga nasa emergency room!" malakas na sigaw nito habang niyuyogyog ang balikat niya.

Parang nalaglag ang puso ni Zephire sa sahig. Walang mailabas na kahit anong salita ang bibig niya kaya natulala na lang siya sa mukha ni Joan. Halos sirang plaka na nag paulit-ulit sa tenga ng dalaga ang sinabi ng kaibigan.

Nasa emergency ang nanay niya. Ibig-sabihin ay nasa malala siyang kalagayan ngayon. At walang kasiguraduhan kung lalabas doon ng buhay at humihinga ang nanay niya, o hindi.

Agad hinanap ng mga mata niya ang pintuan ng emergency room. Tumitig lang siya doon hanggang sa nanlabo ang paningin niya. Nanghihinanng umupo siya muli sa upuan habang hindi tinatanggal ang tingin sa pintuan ng emergency room.

Halos masugatan na ang labi niya dahil kanina pa niya kinakagat iyon upang pigilan ang paglabas ng malakas niyang hikbi. Gusto niya ring pigilan ang mainit na luha na patuloy na bumabagsak sa pisngi niya ngunit hindi niya mapigilan.

Bakit kailangan ang nanay niya pa ang makaranas ng ganitong paghihirap? Sa buong buhay ni Zephire ay lagi niyang nakikita na nakangiti ng malawak ang nanay niya kahit saan pero alam niyang sa loob-loob niyo, ay sobrang wasak na niya.

Sa pamilya pa lang nila na sira ay alam niyang sobrang naapektuhan ang nanay niya doon. Kaya ngayon ay halos banggitin niya na lahat ng santo kahit hindi niya kabisado ang pangalan para ipagdasal na sana mabuhay ang nanay niya.

"Please papa lord, just let my nanay live. I want to give nanay a good life that she's not experiencing now. Let me at least make up for all her sacrifices and let her experience the teenage life because that stupid dog took it immediately."

Nabuntis ng tatay niya ang nanay niya ng dalaga pa lamang siya kaya alam niyang simulat-sapul ay isa siyang pagkakamali. Never naging maganda ang teenage pregnancy kaya sa abot ng makakaya niya ay hinding-hindi siya magpapa-buntis ng maaga, dahil ayaw niyang maramdaman ng magiging anak niya ang nararamdaman niya ngayon.

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon