Chapter 47

4 1 0
                                    

C H A P T E R 4 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Napakurap ng ilang beses ang dalaga ng makita niyang naging dalawa sa paningin niya si Erina. Mahina niya pang sinasampal ang sarili niya upang magising siya sa katotohanan. Ngunit mukhang kahit suntukin niya pa ang sarili ay wala ring mangyayari, magiging dalwa pa rin si Erina sa pangingin niya. 

"Gago, bakit dalawa si Erinang nakikita ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Willie habang sinasampal ang sarili. 

"What the fuck do I see right now?" naka-awang ang mga bibig na sabi ni Jaxsen at kinukusot ang mga mata. 

"Nanaginip ba ko?" mahinang bulong ni Joan habang sinasabunutan ng mahina ang buhok niya. 

"W-What are you doing here?" mariin na bulong ni Azriel habang nakatitig kay Erina na nakahawak sa braso niya. 

Mukhang kilala nito ang naka hawak sakaniya kaya napa kunot ang noo niya. Malakas siyang umubo at buong pwersa niyang binawi ang braso niya. 

"Bakit dalawa kayo?" takang tanong niya pero imbis na sagutin niya ang tanong ni Zephire ay bigla niya na lang itong hinawakan sa balikat. 

Napangiwi na lang ang dalaga ng maramdaman niya ang nanginginig nitong kamay kaya mas lalong napabaon ang mahaba nitong kuko sa balikat niya. 

"Hinding-hindi kitang ituturing na pamilya! Hinding-hindi!" nangagalaiti nitong sigaw mismo sa mukha niya. 

Gusto man niyang umiyak dahil sa sakit ay pinigilan niya ang kaniyang sarili. Mas lalo siyang nagtaka dahil sa sinabi nito. 

"Ano bang sinasabi mo-" 

"Ate Erina tama na," nagmamakaawang sabi ng kamukha niya at pilit na inilalayo ito sakaniya.

"Bitawan mo ko Erica! Hinding-hindi ko 'to tatanggapin sa pamilya natin dahil siya ang may dahilan kung bakit nalayo sa'akin si Azi-" 

"I'm not yours, Erina," Azriel coldly said and he violently removed Erina's hands from Zephire's shoulders. 

Wala sa sariling napatitig na lamang si Zephire sa mata ni Erina. Hindi gano'n kumilos si ang Erina na lagi niyang nakikita. Ibang-iba ang Erina na nakikita niya dati sa ngayong Erina na nasa harapan niya. 

Ang kaninang galit na awra ay agad napalitan ng panlalambot. Mukhang hindi niya kayang tanggapin ang sinabi ni Azriel. Bigla na lamang lumipat ang mata ni Erina sakaniya. Bumalik ang talim nito at akmang lalapitan na siya ng agad siyang nilagay ni Azriel sa likuran niya. 

Dahil sa sobrang tangkad ng binata ay hindi niya na mkita pa si Erina. 

"Azriel d'ba nangako ka sa'akin!? Nangako ka sa'akin na tayo hangg-" 

"You promise to me too. But you ended up lying to me." 

Ramdam na ramdam niya ang tensyon ng dalawa kaya kahit gustuhin niya man silipin si Erina ay hindi magawa. Feel niya kasi kapag gumalaw siya ay sisigawan na siya ni Azriel. 

"But I want to fulfill my dream in England-"

"But that doesn't mean your twin can pretend to be you."

Malakas na napasinghap ang tatlo na nasa likuran niya habang si Zephire naman ay unti-unting nanlaki ang mata at umuwang ang labi. 

Ibig-sabihin ay all this time ay hindi ang totoong Erina na nasa harapan nila dati? At ang malala pa doon ay may kambal siya!?

"I just did that to make sure others wouldn't take you away from me," nagmamakaawang sabi niya. 

Lakas loob siyang sumilip kay Erina. Napalabi siya ng makitang lumuluha na pala ito at ang mga mata nito ay puno ng sakit. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon